Patong patong na ang haharapin na kaso ng doktor na nagpakilalang mula
sa St. Lukes Hospital nang ma video ito na pinag mumura ang kapwa nya driver.
Nakilala ang Dr. na si Tomas Joaquin Mendez, na navideohan ni Merly
Paredes habang pinag mumura nito ang asawa nyang si Santiago Paredes.
Ang mga staff sa programa ni Raffy Tulfo ay nakipagugnayan kay Crispulo
Eusebio na di umano nabiktima din ni Dr. Mendez ng makailan lang ay nagviral
din ang pagkaka video ditto.
Nag paunlak din na pumunta sa programa ni Tulfo ang unang biktima ng doctor,
kung saan idinulog na din nya ang nangyari sa kanya kasama ang kanyang pamilya,
at di ito nalalayo sa nangyari sa pamilyang Paredes.
Nakaupo ang kanyang mag-ina sa kanyang tabi at nasa likod
naman ang dalawang taong gulang niyang anak.
Muntik ng tamaan ng barya na hinagis ni Mendes ang kanyang
mag ina at ng simulan ng tanungin ang doctor, sya naman simula ng knayang
pagsasabi ng mga masasakit na salita.
Mahaharap sa kasong criminal na Slander by deed ang doctor at
pag aaralan pa kung maari ito patawan pa ng kasong unjust vexation at child
abuse sapagkat may mga bata kasama ang biktima.
Sa ngaun di na mahagilap ang doctor para makapanayam at kahit
ang hospital kung saan ito nagtatrabaho ay ayaw na rin magbigay ng kanilang
saloobin patungkol sa issue.
Pinatawag ng LTO
Pinatawag ng ahensya ng Land Tranportation Office o LTO ang
nakilalang doctor na sangkot sa isang road rage incident kung saan ito ay na
videohan at nag trending pa sa social media.
Larawan mula sa video sa Facebook |
Nais ng LTO makuha at mahingi ang panig ng doctor sa mga
nangyari.
Matatandaang iginiit ng doctor na ginitgit umano siya ng
driver ng L300 nang subukan niyang lumipat ng linya.
Pero ayon naman sa kaalitang driver, nasa tamang linya ito at
binato umano sila ng lalaki. Itinanggi rin nito ang akusasyon ng doktor.
Nagpaalala muli ang DOTr na huwag pairalin ang init ng ulo
kung masangkot sa isang traffic incident.
Hindi rin daw ito dapat na umabot sa panlalait, pananakit o
pakikipagmurahan.
“Sa mga panahon po na
tayo ay biglang ma-involve sa isang traffic incident, huwag po sanang pairalin
ang init ng ulo at umabot pa sa punto na tayo ay makikipagmurahan, manlalait, o
mananakit ng ating kapwa,” sabi ng DOTr.
Maliban sa mga kasong criminal na nabanggit pinag aaralan din
ang pag file ng kaso sa Professional Regulatory Commission (PRC) para sa
pagkansela ng licensya ng akusado para sa kanyang propesyon na makapag gamut/doctor.