Asong gala at galisin noon, isang napakagandang aso na ngayon - The Daily Sentry

Asong gala at galisin noon, isang napakagandang aso na ngayon

Hindi inakala ni Raevin Amante Bonifacio na isang magandang aso pala ang kanyang inalagaan. Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Raevin kung papaano niya kinupkop at inaalagaan ang aso.
Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio

Noong Abril nakita ni Raevin ang asong gala na pinangalanan niyang 'Brei." Tadtad ito ng galis, payat at malansa ang amoy.

Ayon kay Raevin, hindi niya napigilang kupkopin ang aso dahil tila nagmamakaawa ito ng una silang magkita. Ginamot niya ito at araw-araw na pinaliguan.

Araw-araw din umanong nilalagyan ni Raevin ng virgin coconut oil ang pagkain ni Brei. Ipinapahid niya rin ang langis sa katawan ng aso.
 Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio
Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio

Matapos ang matiyang pag-aalaga ng dalawang buwan kay Brei, lumabas ang tunay na ganda ng aso at may lahi pala itong Siberian Husky.

Basahin ang kanyang buong post:

"i DARE you na tignan hanggang last photo 🙂
pinabayaan , ginalis , na heatstroke , GUMANDA! 🙂 With no Vets as in tyaga at sarili ko lang ! Sino Mag-aakalang yung dating mukhang ZOMBIE DOG "daw" eh Ganito kaganda na ngaun 🙂 sobrang nakakaproud lang. kaya sa mga may dogs jan wag niyo sila pabayaan. tayo may cellphone may gadgets may kaibigan may pamilya may libangan samantalang sila TAYO lang ang nag-iisang Meron sila sa BUHAY nila. 🐶🐺( BREI'S BIGGEST TRANSFORMATION ) ( Before and after ) - ADOPT DONT SHOP WHILE HOMELESS ANIMALS DIE!!! -

April 1, 2016 nung napunta siya sakin. hirap siya maglakad kasi namamaga paa niya and sobrang baho niya amoy malansang isda. una kong ginawa is ginupitan ko fur niya kasi para mas mabilis magamot mga sugat niya. sa totoo Lang wala akong idea nun kung paano ko mapapagaling to..
Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio

then inisip ko Lang yung mga pantao. Like dahon ng bayabas. nagpakulo ako nun then pinapaliguan ko siya gamit yung madre cacao soap.. tas sa huling banlaw ginagamit ko yung pinakuluang katas ng bayabas..

nakakaawa lang kapag nakamot siya naiiyak na siya sa sakit konting galaw niya nagdududgo agad. kaya malaking tukong yung ECOLLAR ( Yung bilig sa leeg niya )
 Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio
Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio

after niya maligo nilalagyan ko ng betadine.. AS IN everyday ko siya pinaliguan nun siguro mga 15Days straight. continue lang. hanggang sa napansin ko na nagiging dry na sugat niya..

after 15Days mejo magaling na siya nalaman ko na yung VIRGIN COCONUT OIL daw ihalo sa food 5ml a day then ipahid sa katawan. ( nakakatulong para maganda pagtubo ng hair ) pati fish oil. everyday yun. sa mercury aiya nabibili. continue lang araw araw yun. then bigyan din ng vitamins araw araw.

nung na heatstroke siya as in di na siya nakakatayo di na nakakain ginawa ko everyday 2Hours pinupunasan ko ng yelo katawan niya then dogfood niya binabasa ko kinukutsara ko tsako ko sinusubo sa kanya. 2days siyang ganun hanggang sa nakarecover siya. akala ko nga gigive up na siya nun naiiyak na ako nun.

hanggang sa 2months nakikita ko na yung itsura niya 🙂 kahit nung hindi pa maayos itsura niya ginagala ko siya at wala ako pakealam sa sasabihin ng iba kahit pinagtatawanan kami nun. ( as in 2months straight akong sa kanya lang nakalaan atensyon ko wala pa kasi ako work nun )

ang mahirap lang sa MANGE lifetime ng sakit yun anytime pwede bumalik yun kaya dapat always ready mga prevention.. oo mahirap atensyon at tyagaan lang talaga..

6Months palang po nasa sakin yan si brei 🙂 From april to october  ngaun sobrang sarap na pagmasdan ni brei. parang hindi nanggaling sa sakit.
 Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio
 Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio
Imahe mula sa Facebook post ni Raevin Amante Bonifacio

pinost ko to para mainspired yung mga dog owner na may gantong cases na dont give up. madami kasi ako nakikitang ost na niligaw dahil may ganitong uri ng sakit. (mange ) i hope na maishare niyo din po ito 🙂 #KEEPonSHARING

PS. sa mga gusto magdonate ng mga dogfood and vitamins for dogs. pwede po kayo dumalaw samin para makita din sila. Its a Super BIG HELP po 🙂 godbless Everyone."

Narito pa ang ibang larawan ni Raevin at Brei:

***