Si Manong George habang nagtitinda ng kanyang mga gulay |
Marami ang naantig sa nag-viral na mga larawan na ibinahagi ng isang netizen tungkol sa isang may kapansanang Ama, kasama ang kanyang anak habang kumakayod at naghahanapbuhay.
Ito ang nakaka-inspire na kwento ni George na taga Tiaong, Quezon. Siya ay isang PWD na kailanman hindi nagpatalo sa kahit ano mang hamon ng buhay.
Halos lahat ng dagok ng tadhana ay kanya ng naranasan. Ayon sa post mula sa "KAMI" page, bata pa lang noon si George nang itakwil at iniwan siya ng kanyang Ina sa isang bangka at masuwerte nalang ng makita siya ng kanyang Lolo at Lola.
Si Manong George habang nagtitinda ng kanyang mga gulay |
Gayunpaman, pinagpatuloy padin niya ang pag-aaral kahit pa pagapang na ito kung pumapasok hanggang sa siya'y makapagtapos ng elementarya, at kasabay ng kanyang graduation day ay pinalayas siya ng kanyang ama.
Kahit saan-saan na siya namamasukan ng trabaho kasabay ang pag-aaral. At may magandang kalooban na humanga sa kanya pagpupursige at binigyan siya ng isang pampasadang tricycle.
Makikita din sa larawan, si manong George kasama ang kanyang itinuturing na anak ng kanyang asawa na nagtitinda ng mga ibat-ibang klase ng gulay gamit ang kanyang tricycle.
Narito ang kanyang nakakaantig pusong kwento:
NAGSIMULA LANG PALA SA LAGNAT NA NAPABAYAAN ANG NAGING DAHILAN NG KAPANSANAN NI KUYA GEORGE..PERO MASIKAP SYA HINDI SYA NAGPABAYA AT GINAWA ANG LAHAT PARA SA MGA ANAK NYA.
Bata pa si George ay iniwan na sya ng ina nya sa isang bangka mabuti at nakita sya ng lola nya at inuwi sya, sila na nagpalaki kay George hanggang sa nag 7 o 8 yrs old sya naisipan ng tatay na kuhanin ayaw sana ng mga lolo at lola pero binigay pa din dahil mapilit ang ama nya.
Pagdating nya sa lugar ng ama nya may sarili na itong pamilya, me maliit na hanapbuhay pinagtrabaho sya ng ama nya sa murang edad at tutol syang magaral ito pero mapilit si George trabaho eskwela sya.
Hanggang sa dumating ang punto na di na kinaya ng katawan nya nagkalagnat sya pabalik balik mga isang taon hindi pinagamot dahil walang pera, hanggang sa hindi na nya maramdaman ang mga paa nya at ayun na nga nabaldado na sya ng tuluyan.
Isang araw naisip nya kelangan nya pumasok kahit pagapang tutol man ang kanyang ama tinuloy pa din nya naktapos sya ng elementarya at mismong sa araw ng pagtatapos pinalayas sya ng ama nya dahil nagtalo sila.
Si Manong George habang nagtitinda ng kanyang mga gulay |
Kung saan saan sya nakitira namasukan nagtrabaho at nag aral ... me nakakita sa kanya na mga mabubuting loob biniyayaan sya ng panghanapbuhay natuwa sa sipag nya at yun na nga ang traysikel.
Hanggang sa nakilala nya ang asawa nya may anak na ito sawi din sa pagibig pero minahal nya si George hanggang sa nagsama na sila kasama ang mga anak nila.
Masikap si George kapag di sya namamasada ay nagkukumpuni ng relo at nagtitinda ng mani.
Hindi naging hadlang kay George ang kapansanan nya para mangarap at makabuo ng masaya at simpleng pamilya pati naman ang butihing asawa nya na buong buo ang suporta sa kanya.
Si Manong George habang nagtitinda ng kanyang mga gulay |
Pls like our page. TAG A FRIEND. If you have amazing stories like this you can share it by sending us a message thru inbox. :)
Fr Awra na humanga din kay George:
Saludo kay Manong! Na nagsusumikap para sa kanyang Pamilya.
Sa Tiaong, Quezon, matatagpuan si Tatay George na nagtitinda ng Gulay araw araw, sakay sa kanyang tricycle na hindi naging hadlang ang kapansanan para maitaguyod ang pamilya , saludo kami sayo tatay George. IShare po natin.
***
Source: KAMI
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!