Nagbigay ng mensahe ang isang abogado sa Binibining Pilipinas Charities, ang organisasyong pumipili ng kandidata ng bansa na ilalaban sa Miss Universe.
Nagpahayag ng saloobin si Atty. Bruce Rivera sa mga nasa Binibining Pilipinas Charities kasunod ng pagkatalo ni Gazini Ganados.
Dahil sa galing ng mga kandidatang lumalaban ngayon sa nasabing pageant, naikumpara ni Atty. Rivera ang kalidad ng edukasyon ng ibang bansa sa Pilipinas.
"Miss South Africa has not even finished her education due to poverty but what she has learned was enough to make her a good advocate and speaker. While Filipino college graduates have difficulty conversing in proper English." paliwanag nya.
"Aba, our educational institutions, halata na kayo ha. Our students lacks the competencies that are acquired by less educated students in other countries. Kaya samahan niyo si Madame Stella para maturuan niyo na din." dagdag pa ng pageant-fan na abogado.
Si Stella Araneta ang national director ng Miss Universe at Miss International franchise sa Pilipinas sa ilalim ng Binibining Pilipinas Organization na pagmamay-ari ng Araneta Group of Companies.
Narito ang kabuuan ng kanyang interesanteng open letter:
Dear Bb. Pilipinas Charities,
Anong pecha na??! Magsimula na kayong suyurin ang Pilipinas ng isang katulad ni Catrion Gray kasi anything less just will not make it. Nakita niyo ang mga lamunan ng microphone ngayon?
Ang tanong, makakakita ba tayo ng isang kaparehong candidate?
Kaya madame, gumayak ka na at malayo pa ang susuyurin ninyong mga isla?
And ito yan. Miss South Africa has not even finished her education due to poverty but what she has learned was enough to make her a good advocate and speaker. While Filipino college graduates have difficulty conversing in proper English.
Aba, our educational institutions, halata na kayo ha. Our students lacks the competencies that are acquired by less educated students in other countries. Kaya samahan niyo si Madame Stella para maturuan niyo na din.
Mainit ulo ko kaya huwag kayong kumontra. Kasi kung di niyo magawa, andaming Miss Q and A na pwede nating isalang sa 2020. Kung hindi kaya ipanalo sa bigat ng laman, daanin sa lalim at lakas ng boses.
O di kaya, magpauso tayo ng bagong paraan ng pagsagot sa Q and A....through interpretative dance. Because action speaks louder than words. Tipid pa sa interpreter.
Source: Bruce V. Rivera