Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man |
Para sa aking Apo!
Ito ang naging dahilan ng isang 82-years old na si Nanay Gloria Tupas na sa kahit pa sa kanyang katandaan ay marangal na naghahanap buhay pa rin gabi-gabi para lang may pangsuporta sa kanyang 8-gulang na apo, ang tangi niya nalang kasama sa buhay.
Ibinahagi ni Kring Man ang nakakaantig puso na kwento ni Nanay Gloria na nagtitinda malapit sa kanyang pinapasukang trabaho sa Alabang.
Dagdag niya na nagiging suki na siya sa mga paninda ni Nanay Gloria at marahil dahil marami ding naawa sa matanda, ay hindi na nagpapasukli pag bumibili.
Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man |
Mano-manong binibitbit lang daw ng matanda ang kanyang mga paninda at dahil sa bigat ay di niya na kaya pang magdala ng upuan kung kaya't nagsasapin nalang ito ng kanyang mauupuan sa pwesto.
Kahit pa sa kayod kalabaw parin si Nanay Gloria tuwing gabi ay masayahing tao ito, kaya nanawagan din si Kring Man sa may mga busilak na puso na pwedeng makatulong sa matanda.
Narito ang buong nakakaantig damdamin na kwento:
Hello FB World, lalo na sa mga taga-Northgate!
Flex ko lang si Nanay Gloria Tupas, 82 na pero patuloy na kumakayod. Perhaps you're wondering why? Kasi kelangan pa nya suportahan ang apo nyang 8 y/o at tanging kasama nya sa bahay.
Tuwing gabi ko sya nadadaanan sa may tapat ng HSBC. Between 6pm to 10pm sya dun. Suki na nya ko sa mga paninda nyang ampao, paborita, kakanin, atbp. para pasalubong na rin sa aking mother dear. Maraming nabili at malimit e di na nagpapasukli. Paminsan natulong na nga ko mag-upsell. Hehe 😉 Salamat sa inyo ha, kung makaabot man ang post ko. 🙏
Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man |
Last night, wala sya sa usual pwesto. I checked din sa paminsang nilipatan nya, pero wala rin. Nasambit ko na lang na sana walang masamang nangyari sa kanya. 😩 Kanina, wala pa din sa dati. Pero naglakad ako pabalik. And super happy ako to see her at Filinvest Three, looking cute in a green cap. God is so good! 👼
I asked kung paano nadala lahat ng paninda nya kasi ambigat nun e. Salamat po sa mga tumulong sa paglipat kanina ha. 🙏
Nagkwento sya na wala talaga sya kahapon kasi nagpahinga muna. Sabi ko, dapat naman talaga pahinga din lalo pa sa edad nya. Then she said baka like ko daw magpalaba. Juicekoporudy, sa laki ng mga damit ko po ha. 😂
Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man |
Kidding aside, I told her hanap ako way to help. Kaya po sana, kung makita nyo sya e pakyawin nyo na ang paninda nya para makauwi sya ng maaga. Salamat din sa mga van operators na pa-Paliparan at sinasabay nyo si Nanay pauwi. 🙏
I am posting to hopefully inspire and touch more hearts, na sana we can extend our help to Nanay Gloria. Baka meron pong mga may pwesto bandang SM Molino or anywhere near the area kasi dun sya nauwi.
Kahit mesa lang sana na may silong at silya e okay na para naman makapagtinda sya sa normal na oras at makauwi ng di naman late. Though nais ko sana talaga ay matupad ang wish nya na magkaroon ng munting bahay at tindahan. 🙏🙏🙏
Heto po ang mga pics nya, masiyahin lagi si Nanay kahit sapin lang at payong ang dala, bukod sa mga laman ng basket/bag na paninda nya.
Mga paninda ni Nanay Gloria Tupas | Larawan kuha mula sa post ni Kring Man |
Maligayang pasko sa lahat in advance! 💕 At nawa'y tularan natin si Nanay Gloria na di sumusuko at patuloy na lumalaban. 💪
#NanayGloriaOfNorthgate #LolaSellsAtNorthgate #AgeIsJustANumber #HappyThanksgiving #MahiyainSaPersonal #TYL
***
Source: Kring Man
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!