Litrato mula sa KAMI |
Sinasabi na ang 4Ps ay isa sa mga programa ng gobyerno na nakakatulong sa mga mahihirap, lalo na para sa walang kakayahan na mag-aral. Ngunit, lahat kaya ng totoong mahihirap ay nabibigyan ng ganitong benepisyo?
Isang hindi nagpakilalang netizen ang nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa programang 4Ps dahil imbis na silang mahihirap ang mabigyan ng benepisyo nito, ang kanila pang kapitbahay na mayroong magandang buhay ang napagkalooban nito. Ang kanyang pagkadismaya ay ipinost sa Facebook page ng KAMI.
Aniya, ang kaniyang nanay ay hindi naaprubahan ang request para sa 4Ps dahil sa itsura at anyo nito. Kwento pa ng netizen, sinabi sa kanila ng isa sa mga empleyado na mukhang hindi na nila kakailanganin ng 4Ps.
Sinabi pa ng netizen na siya lamang ang nagtatrabaho sa kanilang pamilya, mayroon na siyang sariling pamilya at siya din ang bumubuhay sa kaniyang pamangkin na iniwan ng magulang. Mahirap lamang ang kanilang sitwasyon sa buhay at sana hindi basehan ang itsura sa pag-approve ng request sa aplikasyon ng 4Ps kundi ang totoong estado ng buhay.
Sa dulo ng kaniyang pahayag, sinabi ng netizen na kahit anong ganda ng programa na ilabas ng gobyerno, kung ibabase lamang nila ito sa mga may kakilala o kapit, magiging hindi din ito kapaki-pakinabang sa lahat.
Narito ang kabuuang post ng netizen na ibinahagi sa Facebook page ng Kami:
4Ps
Napaka unfair yung kapitbahay namin na me tatlong palapag namamayagpag sa benepisyo ng 4ps tapos yung Nanay ko na nag apply, eh sadyang maputi nanay ko. sasabihan ng social worker na mukhang di nyo naman kailangan tapos ayaw nila isali nanay ko, eh tatay ko bed ridden dahil sa sakit.
Ako lang nagtatrabaho me pamilya pa ako me pamnagkin pa dahil iniwan ng magulang hirap na nga kami eh tapos di nila i aapproved dahil lanh sa mukhang maayos ang nanay ko ganun ba yun d pa nga na CCI, meron pa nga akong kilala me lupain at negosyo pero miyembro ng 4Ps, paano katropa si Chairman eh.
Grabe din minsan talaga sa gobyerno natin ganda nga ng proyekto palakasan naman! Kapag wala kang kilala who u kaagad!!! Paano kaming walang koneksyon sa gobyerno na mas nangangailangan ng tulong ?
Marami naman sa ating mga concerned citizens ang sumang ayon sa pahayag ng netizen. Marami sa kanila ang nagsasabi na tunay na maganda naman talaga ang programa na inilalabas ng gobyerno, ngunit, habang ang ilan ay nagsasabi na ang programang 4Ps ay talagang "unfair" lalo na para sa mga mahihirap.
Source: KAMI