Kamakailan lamang ay inatake ng sunod-sunod na malalakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao. Bumuhos man ang tulong para sa mga taong naapektuhan ng kalamidad, isang bagay pa ang tila dumagdag sa mga alalahin ng mga taga doon. Partikular n sa Magsaysay, Davao del Sur.
Nakakaawa ang sinapit ng mga taga Davao del Sur dahil sa pagtama ng lindol. Ngunit bukod dito, may panibagong pinoproblema ang mga Davaoeño: ang wakwak o aswang.
Ayon sa isang balita, ilang residente umano ang nagsabing sinugod raw ng "wakwak" ang isang lalaki sa kanilang lugar nang ito ay makatulog sa labas ng kanilang bahay.
Kwento ng 19-anyos na si Ditmer, hindi nya totoong pangalan, gumising sya na puno na ng mga kalmot ang kanyang mga braso.
Isa pang residente ang nagpapatotoo umano sa insidente. Paglalahad ni Jayvie, nakita raw nya mismo noong November 10 ang isang malaking itim na ibon na may mga pulang mata. Dagdag pa nya, ang mga pakpak umano nito ay isang metro ang haba.
Pahayag naman ni Joy, isang residente na taga Barangay Poblacion, ang sinasabi umanong "wakwak" ay isang babae na nagpapalit anyo bilang isang aso o pusa.
Dahil raw sa pagkalat ng balita na ito, natakot na umano ang mga residente matulog sa lugar mula sa kani-kanilang mga tents na pansamantalang nilang tinutulugan nang dahil sa lindol.
Iba naman ang reaksyon ng Magsaysay police sa impormasyong ito kung kaya nagbabala sila kaugnay ng posibleng modus ng mga kawatan.
Ang Philippine mythical creature na "wakwak" ay kalimitang inilalarawan bilang "bird-like vampire".
Source: KAMI