Larawan kuha mula sa post ni Rex |
We Are Not Snowflakes!
Mainit pa sa sikat ng araw ang naging buhos ng kaliwa't kanang pagpapahayag ng kanya-kanyang mga reaksyon at opinyon ng mga netizens hingil sa nangyaring isyu na kinasasangkutan ng isang Teacher na ipina-Tulfo ng magulang dahil sa pagpapahiya di-umano sa kanilang anak sa paaralan.
Baha sa social media ang mga pagkukumpara ng mga estudyante noon sa mga mag-aaral ngayon.
"During my elementary days back in the 90's, naranasan ko din mapagalitan ng mga teacher ko noon sa loob ng classroom," saad niya.
Larawan kuha mula sa post ni Rex |
Pag-amin din niyang kahit pa sa ilang beses pa nangyari ang mga iyon ay hindi kelanman siya nagtanim ng galit sa knayang mga guro kasi bagkus mas tumibay pa ang kanying respeto sa kanila dahil sa malaking parte nila sa paghubog ng kaniyang buong pagkatao.
Payo din niya sa mga magulang tulad niya na wag masyado OA sa pagsusumbong kasi kung ayaw nila talaga mapahiya ang mga pasaway na anak eh di dapat sa bahay palang ay dinidisiplina na nila ang mga ito.
Ito ang kanyang buong pagsalaysay:
During my elementary days back in the 90's, naranasan ko din mapagalitan ng mga teacher ko noon sa loob ng classroom. Napingot ako sa patilya, nabato ng eraser ng blackboard (puno pa ng chalk), napa squat, napitpit ang mga daliri gamit ang patpat, at napatayo din sa labas. Ito ay dahil naman talaga sa sobrang kakulitan ko, at pagiging pasaway ko sa klase.
Larawan kuha mula sa Daily Sentry |
My teachers would even brought me at the guidance office pag di na talaga nila kayang ihandle ang pagiging pasaway ko, also they used to call my parents para isumbong mga kalokohang nagawa ko on the same day.
Narinig ko pa nga minsan sabi ni erpat nung kausapin sya ng isang adviser namin, "pag makulit yang anak ko pagalitan nyo". San ka pa? Naguidance na nga ako, at pag uwi pa ng bahay may bonus pa na palo galing kay erpat at ermat.
Pero kahit na ilang beses ako napagalitan at napahiya sa klase, sa kabila ng lahat, di ako nagalit at di ako nagtanim ng sama ng loob sa aking mga guro. Still, mataas pa din ang respeto ko sa kanila. Malaki ang naging part nila sa paghubog ng aking pagkatao.
Larawan kuha mula sa post ni Rex |
Dahil una sa lahat, sa bahay pa lang natuturuan na ng magandang asal at napapangaralan na ang mga anak namin. Kung sakali man maging pasaway sila sa school, sigurado may reward silang palo at konyat pag uwi ng bahay. 😎
Kaya sa mga magulang dyan na katulad ko, wag po tayong masyadong OA sa pagsusumbong. Kung ayaw nyo pala napapahiya ang mga pasaway na anak nyo, eh di sa bahay nyo pa lang disiplinahin nyo na.
Larawan kuha mula sa post sa Internet |
Salute sa lahat ng mga GURO na ginagampanan ng maayos ang kanilang tungkulin para madisiplina ng maayos ang kanilang mga estudyante.
One love to all the TEACHERS... ♥️♥️♥️
My sympathy goes to the teacher who's on the verge of getting her license stripped off.
#batang90s #DisiplinadoAtMagalang
#WeAreNotSnowflakes
***
Source: Rex Baddal
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!