Vlogger, gumawa ng kanta sa mga 'KUNSINTIDOR' na magulang na nagpa-Tulfo sa guro - The Daily Sentry


Vlogger, gumawa ng kanta sa mga 'KUNSINTIDOR' na magulang na nagpa-Tulfo sa guro




Sa gitna ng batikos ng mga netizens sa programang Raffy Tulfo in Action, isang vlogger ang nakaisip gumawa ng nakakatawang kanta tungkol dito.

Kasunod ito ng pagpapa-Tulfo ng mga magulang sa guro ng anak nila na dumisiplina umano sa bata.

Sa kantang ginawa ng vlogger na si Robert Basan Abella Jr., pinakita nito ang kanyang nagu-umapaw na suporta sa buong kaguruan.

Narito ang lyrics ng kanyang kanta:

FULL SUPPORT SA MGA TEACHERS... LOVE YOU MAM/SIR!

KUNSINTIDOR KA NA (KUMUSTA NA PARODY)

KAY TAGAL DIN NATING DI NAGKITA
NGAYON NAGPAPA TULFO KA NA
PINALABAS LANG ANG ANAK MO NG TITSER NYA
BAKIT WAGAS KUNG MAG-REACT KA
AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA-YOP KA!

UMAWIT AKO PARA MALAMAN MO
NA NAPAKA OA MO NA PO
DISIPLINA LANG, HINDI PANG-AABUSO YAN
HUWAG KANG KUNSINTIDOR KAIBIGAN
AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA-YOP KA!

ISIPIN MO NALANG NUNG NAG-AARAL PA TAYO
SINIPA KA AT BINATO NG ERASER SA ULO
PINAPALUHOD PA SA MUNGGO AT PINALO
PERO SABI MO NU'N OK LANG
WALANG PROBLEMA YON AYOS LANG
PAGDIDISIPLINA YAN, OK YAN
PARA TIGAS NG ULO, AY MABAGO

PERO BAKIT NGAYON NAGING KUNSINTIDOR KA NA
AYAW MONG ANG ANAK MO AY MADISIPLINA
PINALABAS LANG NG CLASSROOM NG TITSER NYA
SABI MO AY INABUSO S'YA
PINAHIYA S'YA AT NATRAUMA NA
BAKIT NAPAKAARTE MO NA
KUNSINTIDOR KA NA, SA ANAK MO

SARAP MONG SUNGALNGALIN BWISIT KA
MAY PATULFO TULFO KA PA
KUNSINTIDOR NA MAGULANG KA NA
SANA NAMAN IKAW AY MAGBAGO
AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA AHAHA-YOP KA!


Panuorin ang video nya:


Source: Robert Basan Abella Jr. Fanpage