Matapos ang 26-years na pagsasama, pinatunayan ng mag-asawang parehas may down syndrome na hindi hadlang ang kanilang kapansanan upang ipakita ang pagmamahal sa bawat isa.
Noong Abril ay pumanaw na si Paul matapos ang mahabang pakikipaglaban sa sakit na Alzheimer.
Nakilala sa buong mundo sina Kris Scharoun-DeForge, 59, at Paul Scharoun-DeForge 56, na kauna-unahang mag-asawa na may down syndrome.
Marami ang pumuna at hindi naniwala sa naging relasyon ng mag-asawa. Pero ngayong wala na si Paul, ikinuwento ni Kris ang kanilang masayang pagsasama bago ito pumanaw.
Ayon sa isang artikulo ng ‘Daily Mail’, taong 1988 nang magkakilala sina Kris at Paul, makalipas ang limang taon ay nagpakasal na sila.
Kwento ni Kris, siya raw mismo ang nagsabi kay Paul na pakasalan siya.
“I proposed to him. I whispered in his ear, "Would you marry me?", And he looked up at me with this big beautiful smile and he shook his head "Yes!," And that's when I knew. 'He got me laughing, he was the one for me,” kwento ni Kris.
“He was the only one for me,” sabi ni Kris habang sinasaboy ang mga abo ng kanyang asawa.
Ayon sa mga kamag-anak nina Kris at Paul, sila ang pinakamatagal na mag-asawang may down syndrome.
Kwento naman ng kapatid ni Kris na si Susan Scharoun, marami ang tumutol sa relasyon nina Kris at Paul. Pero ngayon ay umaasa siyang mas madali na para sa mga taong may kapansanan na gawin kung ano man ang kayang gawin ng mga normal na tao.
'Yea, there really was quite a bit of resistance. There was a feeling that it was like children getting married versus two very capable adults,' sabi ni Susan.
"What I hope is that other families will entertain this, you know, other people will recognize the importance of this kind of intimate love," dagdag nito.
Nagsaboy din ng abo si Kris sa isang lawa kung saan paboritong mamingwit ng isda ni Paul.
“People like us need to have a chance. A chance to find the man of your dreams, like I did,” sabi nito.
“I just lost the man that I love, but I'm going to try,” sagot nito nang tanungin kung magmamahal pa itong muli.
Narito naman ang mga larawan nina Kris at Paul.
***
Source: Daily Mail
Kris Scharoun-DeForge at Paul Scharoun-DeForge / Larawan mula Pictures in History

Susan Scharoun / Larawan mula Daily Mail
'Yea, there really was quite a bit of resistance. There was a feeling that it was like children getting married versus two very capable adults,' sabi ni Susan.
"What I hope is that other families will entertain this, you know, other people will recognize the importance of this kind of intimate love," dagdag nito.
Nagsaboy din ng abo si Kris sa isang lawa kung saan paboritong mamingwit ng isda ni Paul.
Family and friends of Kris at a lake near New York Adirondack Mountains
“People like us need to have a chance. A chance to find the man of your dreams, like I did,” sabi nito.
“I just lost the man that I love, but I'm going to try,” sagot nito nang tanungin kung magmamahal pa itong muli.
Narito naman ang mga larawan nina Kris at Paul.
Kris at Paul / Larawan mula Daily Mail
Kris at Paul / Larawan mula Daily Mail
Kris at Paul / Larawan mula Daily Mail
Kris at Paul / Larawan mula Daily Mail
***
Source: Daily Mail