Malaking tulong sa mga fashionistang gipit ang mga damit na ukay-ukay dahil mabibili ang mga ito sa abot-kayang halaga. Pero sa isang babaeng nagtitinda ng ukay-ukay, mas malaking biyaya ang inasahan dahil sa nakita niyang anim na piraso ng one million Argentinian Pesos na nasa bulsa diumano ng isa niyang paninda.
The Ukay-ukay vendor | Photo credit to Balitambayan |
Isang regular na tindera ng ukay-ukay sa Quezon City si Badang Matuguina, na madalas daw makakuha ng mga pera ng dayuhan sa mga bulsa ng kanyang paninda. Kahit maliit lang ang nakukuha, malaking tulong na din daw ito sa pang araw-araw nilang kabuhayan.
Hanggang isang araw, habang nag-sasalansan diumano siya ng paninda, nakakuha sya ng anim na piraso ng dayuhang pera sa bulsa ng isa sa kanyang mga panindang shorts.
Nung una akala niya daw ay tissue paper lamang ito ngunit nung sinearch daw nila online kung magkano ang halaga nito sa Philippine Peso, sobrang gulat nila ng malaman na ito ay 1.4 million kung icoconvert sa pera ng Pilipinas.
Agad na nagpunta si Badang sa mga palitan ng pera at umasang may halaga pa ito sa kasalukuyan.
Ipinasuri nila isang Numismatist (eksperto sa coins at pera) ang mga nakuhang dayuhang perang papel at sinabi diumano ng eksperto na tunay ang pera at kung ipapalit sa kasalukuyang foreign exchange ay maaaring mag-kahalaga ng humigit kumulang na Php 5 million pesos ang mga ito.
Ngunit ayon kay Walter na siyang Numismatist, bagamat totoo ang anim na pirasong 1,000,000 Argentinian pesos, hindi niya alam kung magkano ang magiging tunay na halaga nito sa ngayon dahil sa hyper-inflation na naganap sa Argentina.
Matagal na daw kasing itinigil ang sirkulasyon ng perang ito at hindi na umiikot pa sa merkado. Dahil na din daw sa paiba-iba ang takbo ng ekonomiya ng Argentina, hindi na nakakasiguro kung ano ang halaga ng mga perang ito sa kasalukuyan.
At para malaman kung magkano talaga ang halaga ng mga perang papel, sinamahan si Badang ng Team ng 'Kapuso mo, Jessica Soho' sa isang currency expert na si Tyrone Solee upang muling ipasuri ang pera.
Ayon mismo kay Solee, kung titingnan ang halaga nito mga taong 1983, nasa Php 617.00 lamang at kung ikukumpara sa kasalukuyan, ang halaga nito ay nasa Php 8,600.00, base sa inflation ng Argentina. Sa madaling salita, 'demonetized ' na daw ang mga ito.
Gayon man, pwede pa din daw ibenta sa mga collector ang mga ito na maaaring mag-kahalaga ng 100 php kada piraso.
Ayon sa KMJS, lumapit din sila sa Embahada ng Argentina dito sa Pilipinas, na siyang nagpahatid din ng kasagutan.
"Ayon sa mga litrato ng Argentinian Peso na nasa kamay ngayon ni Badang, tunay at lehitimo ang mga ito.
Subalit wala na itong halaga ngayon sa Argentina mula ng magpalit ng value ang 'Peso Ley' o ang pera ng Argentina noong 1983.
Sa kasalukuyan ay hindi na matukoy ng embahada ang eksaktong halaga ng Argentinian pesos na hawak ni Badang.."
Sa huli, hindi man naging instant milyonarya, nagpasalamat pa din si Badang dahil nalaman nila kung may value nga ba o wala ang mga nakuhang perang papel.
Source: Balitambayan,

The Ukay-ukay vendor with the 1,000,000 Argentinian pesos | Photo credit to Balitambayan |

Photo credit to Balitambayan |