Lourd de Veyra | 2019 Sea Games logo | Photo credit to the owner |
Maraming Pilipino ang nanawagan na imbes na pumuna ng mali ay magkaisa na lamang at suportahan ang mga atleta sa i-isang mithiin na mag-wagi at makakuha ng medalya.
Filipino athletes| Photo credit to Sea Games PH 2019 |
Nakilala din siya bilang isang kritiko sa larangan ng politika, ngunit ngayon ay nagpapakita ng suporta alang-alang sa pagkakaisa ng bansa.
Sa kanyang programa sa News 5 na 'Word of the Lourd', ibinahagi ni De Veyra ang isang video na kung saan ay hinikayat niya ang mga Pilipino na maging positibo, itigil na ang mga reklamo at magkaisa na lamang.
Sa isang episode ng programa niyang iyon na pinamagatang 'Tao lang po', ikinumpara din niya ang umano'y malaking pagkakaiba ng Sea Games ngayong 2019 sa mga nakaraang Sea Games sa ibang bansa.
"Wala namang perpektong event ah napatunayan na yan sa ilang mga nakaraang Sea Games.", sabi ni De Veyra.
Photo credit to News 5 |
Narito ang buod ng kanyang pahayag sa nasabing video:
"Haters gonna hate talaga.
Grabe naman para yun lang idineklara mong failure agad yung games e hindi pa nga nagsisimula, kayo talaga o.
Excuse me ha parang ang aarte ata baka pwede namang umasal lang ng konti ng ayon sa ganda.
Photo credit to News 5 |
At choice nyo naman na humiga pala sa carpet. 2:00 pm ang standard check in sa mga hotel baka gusto niyong sa malacanang na lang matulog?
At sa mga ngumangawa na dalawang bote lang ng tubig ang supply kada araw, hello ano bang gagawin niyo ipangliligo ang mineral water?
Transpo problem kamo tiis-tiis kayo ganyan araw-araw ang buhay ng pinoy na mananakay.
Presscon sa mainit na warehouse kamo, industrial design yan boy! Parang dalawang inidoro sa isang cubicle para maging close kayo. So ano pa po ang mga nais ninyo mga kamahalan?
At sa mga umaangal sa ulam na kikiam special naman yan.
"Hindi enough yung rice and kikiam", sabi ng isang atleta.
May budget kaming 183 million para sa pagkain at doon sa 50 million pesos na kaldero lulutuin.
Wala namang perpektong event ah napatunayan na yan sa ilang mga nakaraang Sea Games.
Nung 2017 Sea Games sa malaysia mas grabe pa nga raw e, problema sa transpo hindi nabago, kulang ang pagkain at may mga binugbog pa daw mga Malaysians ng football fans ng Myanmar, may bus na naaksidente, may mga nagprotesta din na Indonesians dahil baliktad ang pagkaka-print ng flag nila, nag walkout ang Indonesia dahil sa officiating ng Sepak Takraw.
At ang host country na Malaysia naakusahang puro luto daw ang mga games para maging overall champion.
Sa kasaysayan ng Sea Games eto ang total medal tally ng mga bansa. Number 1 ang Thailand, sinundan ng Indonesia, pangatlo ang Malaysia at pang-apat ang Pinas.
Nga pala 2015 Sea Games sa Singapore baliktad ang flag ng Pilipinas. Sino kaya ang salarin?
Ok one more time, basahin natin ang slogan, We win as one. Sabay-sabay tayong mananalo pero kung patuloy tayong magsisiraan at maghihilahan pababa, sabay-sabay tayong babagsak at sa mata ng mundo isa tayong malaking palpak!
Kaya buti pa postibo lang dapat, Positive!
Kaya lagpasan ang mga limitasyon at mga balakid. Kaya lipad Atletang Pinoy lipad."
Source: Facebook / News 5