Nanawagan ng tulong ang isang concerned Pinay para sa isang OFW na nasa Kuwait - The Daily Sentry


Nanawagan ng tulong ang isang concerned Pinay para sa isang OFW na nasa Kuwait



Litrato mula kay Ruby Valdez
Isang concerned Pinay ang humihingi ngayon ng tulong para sa kapwa nya OFW na nasa Kuwait. Ayon sa nagpost na si Ruby Valdez, nakasabay daw niya ang isang OFW sa Mubarak Hospital na nagngangalang Jorna Idno na 32 taong gulang na taga Zamboanga.

Dahil sa kaawa-awa nitong kalagayan ay nais nya daw sanang isama ngunit may mga camera sa hospital at bantay sarado ng dalawang Arabo.


"Nakasabay ko po sya kanina sa Mubarak Hospital. Naawa po aq sa sitwasyon ni kabayan gusto ko sana isama sya kanina pero may mga camera ang hospital at bantay sarado din sya ng dalawang arabo knina."

Buti nga raw ay nakahanap si Ruby ng tiyempo para kausapin ang OFW at napag-alaman niyang gustong-gusto na daw niyang umuwi ngunit hindi siya pinapayagan ng kanyang amo dahil di pa tapos sa pag-aaral ang mga alaga niya.

"Nakahanap lang ako ng pagkakataon kanina pero saglit lng, Gusto na nyang umuwi patapos na sya by 20 this month of Nov. Pero sinabihan dw ng amo na hindi pauwiin kasi hindi pa tapos ang school ng mga alaga nya."

Nakwento din daw ng OFW kung bakit namamaga ang mukha at mga mata nito. Ayon sa kanya ay masakit daw ang ulo niya dahil sa hindi ito makatulog ng maayos dahil wala siyang sariling kwarto.


"Masakit daw masyado ang ulo nya, kaya yun siguro dahilan at namamaga ang mga mata at mukha. Kung saan saan lang daw sya natutulog dahil wlang sariling kwarto."

Nakiusap si Ruby sa publiko na maiparating ito sa pamilya ng OFW para siya ay matulungan.

"Sana makarating ito sa pamilya nya sa pinas. Please share and pray for kabayan sana gumaling sya sa sakit nya.."

Eto ang detalye na isinaad ni Ruby sa kanyang Facebook post:

  • Jorna Idno 32 yrs.old tga Zamboanga. Pinas agency Nonstop
  • Kuwait address
  • Block 5, St.465
  • House 242
  • Jaber Al Ahmad