Larawan kuha mula sa post ni Dai Cinco-Sy |
Walang katumbas sa pagmamahal na ibinibigay at pinaparamdam ng mga magulang sa kanilang mga anak. Lalo na sa isang haligi ng tahanan na siyang kumakayod pangtustos sa pangangailangan ng buong pamilya.
Isang nakakadurog puso na kwento ang nagviral ngayon sa social media tungkol sa isang Ama na naghahabol ng oras at panahon kumita lang ng sapat na halaga para pambili ng gamot ng kanyang anak.
Kwento niya sa dayalektong bisaya na tinanong siya ni manong driver kung ano daw ang ibig sabihin ng isang "waiver" mula sa Ospital kasi ang anak niya ay kasalukuyang nasa ICU.
Larawan kuha mula sa post ni Dai Cinco-Sy |
Ipinaliwanag naman daw ni Cinco-Sy kung ano ang "waiver" at dito na bumuhos ang emosyon ng driver at umiiyak ito ng malaman niya na ang ibig sabihin ng waiver.
Dagdag pa daw ng driver na sumusuka na daw ng dugo ang anak nito, at sinabihan siya ng Doctor ng naturang provincial hospital na bumalik ng 12 ng tanghali dala na ang mga kailangang gamot, ngunit 1 na ng hapon sa mga oras na yun ay namamasada parin si manong dahil hindi pa sapat ang halagang kinita niya pambili ng mga gamot.
Dagdag pa sa bigat ng emosyon ng driver ng ikinuwento niya na kakam@tay lang din daw ng asawa nito tatlong buwan pa lang ang nakalipas.
Larawan kuha mula sa post ni Dai Cinco-Sy |
Di naman nag-atubiling mag-abot kahit kaunting halaga si Cinco-Sy sa driver para kahit papano ay may pandagdag na ito sa mga kinakailangang gamot.
Bumuhos din ang emosyon ng mga netizen na nagpahatid ng kani-kanilang dasal at hangarin na sana'y gumaling na ang anak ni manong driver. Hinangaan din si Cinco-Sy dahil sa kabutihan ng kanyang kalooban.
Narito ang kanyang buong kwento na isinalin sa wikang Tagalog:
Ito si Manong driver, nagtanong siya sa akin kung ang ibig sabihin ng WAIVER.
Pinaliwanag ko sa kanya at di ko inasahang bubuhos siya ng iyak dahil ang anak niya ay naka confine sa provincial hospital-ICU dahil sa dengue.
Larawan kuha mula sa post ni Dai Cinco-Sy |
Sabi niya nagsusuka daw ang anak niya ng dugo. Sinabihan din daw siya ng doktor na bumalik ng 12 ng tanghali na dala-dala na ang mga gamot, pero ala-una na lang ng hapon, namamasada padin siya dahil ang pera niya ay di pa sapat para sa mga gamot.
Di ko maintindihan ang aking nararamdaman kasi grabe ung iyak niya dahil kakam@tay lang din daw ng asawa niya 3-buwan pa ang nakalipas.
Binigyan ko siya ng pera, alam ko di siya ganun kalaking halaga pero ramdam ko na masaya siya dahil may pandagdag na siya sa mga gamot para sa kanyang anak.
***
Source: Dai Cinco-Sy
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!