"Tinuturukan para tumamis," babala ng isang netizen sa mga bumibili ng murang grapes - The Daily Sentry


"Tinuturukan para tumamis," babala ng isang netizen sa mga bumibili ng murang grapes



Litrato mula kay Geofrey Perez
Masarap at paborito ng marami ang grapes at mansanas dahil ito ay masarap lalo na kung matamis. Ang grapes ay medyo may kamahalan lalo na kung ito'y binibili sa mga sikat na grocery stores.

Pero hinay-hinay din sa pagbili at pagkain nito lalo na kung hindi sa siguradong lugar binili ang prutas. Kamakailan kasi ay may netizen na nagbabala tungkol sa hindi magandang ginagawa sa grapes para ito ay mabenta.


Sa Facebook post ni Geofrey Perez, nagbabala siya tungkol sa nabibiling prutas na grapes at mansanas.

"Ingat sa mga ilang prutas na nabibili sa labas like grapes and apples."

Napansin daw nya kasi ang mga butas sa nabili nyang grapes kaya siya ay nagtaka. Babala nya, tinuturukan daw ang grapes at mansanas para tumamis.

Litrato mula kay Geofrey Perez


"Di ba kayo nagtataka iba ang tamis at mura, ang ilan ay ini injection ng sugar para tumamis."


Saad niya, kapag daw tanggalin ang sticker o brand na nakadikit sa mansanas ay makikita ang butas na tinurukan ng injection.

Litrato mula kay Geofrey Perez

"Be aware lalo na iung apples try na tanggalin ninyo iung brand/sticker na nakadikit magugulat kayo may butas na tinurukan ng injection pampatamis."

Litrato mula kay Geofrey Perez

"It's yours to observed. forgot to attached pics of apples ,will try to add later tinapon ko na at baka makain pa ng mga bata," pagtatapos ni Geofrey.


Narito ang buong post ni Geofrey sa kanyang Facebook account: