Teachers’s Dignity Coalition ipinakita ang suporta sa gurong ipina-Tulfo - The Daily Sentry


Teachers’s Dignity Coalition ipinakita ang suporta sa gurong ipina-Tulfo



Sa Facebook Page na Teacher’s Dignity Coalition (TDC), ipinakita ng samahan ng mga guro ang kanilang pagsuporta kay Ma’am Melita Limjuco na kamakailan lamang ay naging kontrobersyal dahil sa pagpapa-Tulfo ng mga magulang ng isang bata.

Ayon sa TDC, wala raw karapatan ni Raffy Tulfo na magpatanggal ng lisensiya ng isang teacher.

Kwento nila, binisita ng ibang leader ng kanilang samahan si teacher Limjuco. Nananatili umano itong malakas sa kabila ng kinakaharap na problema. Buo rin umano ang suporta sa kanya ng kanyang mga kasamahan.

Dagdag pa nila, tuloy-tuloy raw ang gagawin nilang pagsuporta kay teacher Limjuco sapagkat “ang kanyang laban at kapalaran ay laban at kapalaran din ng ating propesyon.”

Narito ang kanilang buong post:

"DEPENSAHAN ANG ATING LISENSIYA AT PROPESYON

Sa Katatapos lang na live na pahayag ni Mr. Raffy Tulfo, mapapansin natin ang malaking pagbabago sa kanyang tono. Binigyan na niya ng galang ang guro at hindi na raw niya i-pursue ang pagpapatanggal sa lisensiya nito. Unang-una wala naman siyang karapatan na tanggalan ng lisensiya si titser. Wala ring tamang proseso itong dinaanan at naging iisang panig lamang. Kahit pa ang sinasabing trauma sa bata ay walang batayan. Wala ring karapatan ang sinuman na papiliin ang isang Guro- totoong nagkamali man o napagbintangan lang- kung aalis na lang sa pagtuturo o magpapakulong.

Patunay lamang ito na may epekto ang ating nagkakaisang tindig at ispontanyong mga reaksiyon.

Kanina ay naroon ang ilang mga lider ng TDC sa Epifanio Delos Santos ES, paaralan ni Mam Melita Limjuco. Nananatiling malakas si Mam at buo ang suporta ng kanyang mga kasamahan. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa suporta nating lahat.

Masakit at mabigat na yugto ang pinagdaanan ni Mam ngunit naging magaan dahil sa ating pakikiisa. Nawa'y may natutunan ang lahat sa pangyayaring ito. Mula sa ating hanay ng mga guro. Sa mga principal. Sa mga magulang. Sa pamunuan ng DepEd na may malaking pananagutan sa buong sistema ng edukasyon. Gayundin sa mga nasa media- kahit gaano man tayo kasikat, hindi natin maaring lampasan ang batas at y katwiram.

Tuluy-tuloy po ang gagawin nating pagsuporta kay Mam Limjuco sa anumang paraan. Sapagkat ang kanyang laban at kapalaran ay laban at kapalaran din ng ating propesyon.

Mabuhay ang magigiting, matitiyaga at mapagmahal na mga Gurong Pilipino!

-Teachers' Dignity Coalition (TDC)
Nobyembre 22, 2019



***