Sa gitna ng batikos na kinakaharap ni Raffy Tulfo dahil sa pagtanggap ng reklamo na dapat ay niresolba sa loob ng paaralan, isang guro ang naglahad ng kanyang opinyon sa naturang issue.
Ayon kay Maureen, may-ari ng sikat na Facebook page na Teacher Maureen, nangangako sya na gagawin nya ang isang bagay na ito kung saka-sakaling may mga hindi kanais-nais na gawin ang mga estudyante sa paaralan kung saan sya nagtuturo.
Ang nasabing post, sa kabila ng maganda nitong intensyon para sa mga guro, ay tila sinabi lamang ng naturang teacher sa mapang-uyam o sarkastikong paraan matapos magreklamo sa programa ni Tulfo ang mga magulang ng isang bata na dinisiplina umano ng isang guro.
Sa isa pang Facebook post, pasimpleng binanatan ng guro si Tulfo dahil sa pagtanggap nya ng nasabing reklamo na sana ay inudyok na lamang na resolbahin ng paaralan.
Narito ang kanyang interesanteng paliwanag:
AN OPEN LETTER TO MY TEACHER SELF
(From Teacher Maureen's Page)
Simula ngayon, mangako tayo na hindi na tayo magagalit kahit makita o marinig natin ang mga sumusunod sa loob ng ating klase:
1. Nagsusuntukan
2. Nagsasabunutan
3. Hindi gumagawa ng projects/assignments
4. Nagkokopyahan
5. Laging late/absent
6. Nagmumurahan
7. Nagnanakawan
8. Nagrarambulan
9. Sumasagut-sagot sa titser
10. Nambabastos ng kaklase o titser
11. Sisiga-siga
12. Hindi naglilinis at ginagawang tambakan ang classroom
13. Sinisira ang mga school facilities
14. Nag-iingay
15. Nagka-cutting classes
Simula ngayon self, hindi na tayo magagalit o mananaway, basta quiet na lang tayo. Pag nakita o narinig na natin ang mga ito, tawagin kaagad ang mga magulang. At sana kahit may trabaho ang mga magulang, dapat pinupuntahan nila kaagad-agad ang anak nilang gumawa ng kalokohan sa school. Dapat no excuses.
Antayin na lang natin sila na sila sumuway sa mga anak nila. Ang gagawin na lang natin sa klase ay magtuturo --- yun lang! Leave the disciplinary actions to the parents daw. Self, hindi tayo mananaway ha? Kase baka ma-Tulfo tayo tapos mawalan tayo ng lisensya. Wala naman tayong laban lalo na at wala namang taong magkukusang ipaglaban tayo. Ayaw nating mangyari iyon. Hindi na tayo magagalit ha? Basta kung hindi nagpasa ng projects ang mga bata --- record na lang tayo ng record ng zero. Basta wag magagalit ang magulang kung bagsak ang mga anak ha? Wag niyo rin kaming tatanungin kung ano'ng ginawa namin bilang titser. Eh ayaw ng ilan sa inyo na disiplinahin ang mga anak nila. Hindi niyo dinidisplina tapos papasok sa school na sisiga-siga damay pa ang iba. Basta, ganun na lang ang sistema natin self! Kaya natin ‘to!
Teacher Maureen
Narito naman ang tila banat nya kay Tulfo:
Dahil sa episode sa Tulfo, naging panakot na ng ibang magulang ang
"Baka gusto niyo, i-social media ko rin kayo?", said one mudrabels when her anak was bengga ng slight by the teacher dahil sa hindi niya pagpapasa ng project na matagal ng due.
Nagalit si titser dahil concern siya sa pagpasa nung estudyante niya. Kung tutuusin, pwede namang hindi siya magalit --- basta bagsak anak niyo.
Nagalit si mudrabels dahil pinagalitan ng slight ang anak niya. So taas-kilay ang bata dahil alam niyang kakampihan at kakampihan siya ng nanay niya.
Hatiin niyo na lang kaya bahay niyo? Yung isang bahagi eh gawin ninyong classroom, tapos yung nanay ang titser.
See, Mr. Tulfo? The kind of confidence you gave to some magulang na akala nila pwedeng tanggalan ng lisensya ang mga titsers pag nagsumbong na sila sayo?
Source: Teacher Maureen post 1 Teacher Maureen post 2