Tanod na iginapang ang pag-aaral, nagtapos na cum laude at licensed engineer na ngayon - The Daily Sentry


Tanod na iginapang ang pag-aaral, nagtapos na cum laude at licensed engineer na ngayon





Natatandaan mo pa ba si Janryll Tan mula sa Kalubihan, Cebu City? Dati nang nag-viral si Janryll sa social media dahil sa kanyang kwento na pumukaw ng atensyon ng mga netizen. Ngunit muling umani ng papuri ang binata dahil sa bago nitong tagumpay bunga ng kanyang pagsasakripisyo.


Nag-trending ang nakaka-inspire na kwento ni Janryl dahil nagtapos ang binata sa kolehiyo 'with honors' sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering habang hinahati nya ang oras noon para magtrabaho bilang isang Barangay tanod.



Matapos grumaduate ang 23-anyos na binata, agad itong nag-review at nag-take ng board exams.

Pinagsabay nyang muli ang kanyang pagtatanod habang nagsusunog ng kilay, kagaya ng ginawa nya noong sya ay nag-aaral pa lamang kung saan isinabay nya din ang pagtatrabaho.

Sa kabutihang palad, isa sya sa mga nakapasa sa civil engineering board exams kung kaya naman sya isang ganap nang licensed civil engineer.






Namangha ang marami sa kwento nya dahil hindi lang simpleng trabaho ang pinasok ng binata kasabay ng kanyang pag-aaral: ang pagiging tanod ng barangay.


Sa kabila ng mapanghamon nyang papel sa kanilang barangay, nagawa pang mapagsabay ni Janryll ng maayos ang kanyang trabaho at pag-aaral.


Source: KAMI