Tagos sa pusong mensahe ng isang Ama at Guro: "Kung alam niyo lang ang pagod at sakit ng ulo bilang guro" - The Daily Sentry


Tagos sa pusong mensahe ng isang Ama at Guro: "Kung alam niyo lang ang pagod at sakit ng ulo bilang guro"



Larawan mula kay Junny Villarin

Mainit sa social media ang kinahinatnan ng pagpapa-Tulfo ng mga magulang at Lola sa isang Guro na si Melita Limjuco pinapahiya di-umano ang kanilang anak dahil sa pagpapalabas nito sa klase.

Maging man ang karamihan sa mga guro ay labis na nasaktan sa naging aksyon ni Raffy Tulfo hingil sa hiling ng mga nagreklamo na patanggalan ng lisensya ang Guro o di kaya'y ipapakulong.

Umani ng pagsuporta ang Guro mula sa karamihan ng mga netizens na nagpahayag din ng kanilang pagkadismaya laban sa kanilang "Idol Raffy" bilang kilala ito sa pag tulong ng mga naaapi na lumalapit sa knaiyang programa.


Tulad na lang ng isang salaysay na ibinagi ni Junny Villarin na isang ring Ama at dating guro.


Ginang Melita Limjuco | Larawan mula sa Facebook

Sa kanyang post ay sinabi niya na ang pagdidisiplina sa mga bata ay dapat tulong-tulong na ginagawa ng mga magulang at ng mga guro hindi yung kahit kaunting problema at mali ay kay isasali na agad si Tulfo. 

"Sa kasong ito I know hindi kayo nag iisa teacher at hindi rin kayo nag iisa madam opo ikaw po mother ng bata marami ang may case na ganito nasasabi ko yan kasi nag turo din ako noon," saad niya.

"Tulong2 nlng sana wag yung kunting mali involve kaagad si Mr. Tulfo, tao din yan hindi perfect so hindi lahat ng bagay eh asa nlng natin sa kanya ang mga problema natin at hingin siya ng solusyon," patuloy niya.

Basahin ang kanyang buong post: 

Minsan lang ako mag post ng ganito so lubos lubosin ko na. Ang galing din sa mga mag ina na ito at nagpa Tulfo pa talaga kayo! 


Larawan kuha mula sa Internet

kung ayaw ninyo ma deciplina ang anak ninyo e wag na papasokin sa paaralan at kayo na mag turo total parang pinalabas na expert kayo sa pag dedeciplina ng anak niyo isama niyo narin mga kaklase ng anak niyo para mahawaan sa kagalingan ninyo magdeciplina!

Ako I'm proud na andiyan si Mr. Tulfo na willing tumulong sa mga nangangailangan lalo na sa mga inaapi pero sa kasong ito na dismaya ako sa kanyang hatol sa guro at may patangal pa talaga ng lecensiya ang kanyang solusyon! 


kung alam niyo lang ang pagod at sakit ng ulo bilang guro lalo na sa mga public school na tipong ipag kasya ang 50 students for a classroom na ang capacity ay 20 to 30 lang that situation alone stressful na yan sa mga guro natin tapos may mga pasaway pa na mga estudiyante na kagaya nito. 


Larawan kuha mula sa Internet

Minsan bisita din kayo pag may time sa mga public school para ma feel ninyo ang mga hinanaing ng bawat public teacher natin! lumaki kasi kayo at nag aral sa private school kaya hindi ninyo na intindihan ang kalagayan ng mga guro natin.

Deciplina sa ngayon parang optional nlang kasi sa ibang mga magulang, kaya kunting kimbot at aksyon ng mga guro punahin kaagad kaya ang mga bata lumaki at mag tapos na walang mga modo at tamang asal hindi ko po nilalahat pero sa generation ngayon kunti nlng yung talagang may mga mabubuting asal na mga bata. 

Kung ako lang ang tatanungin mas okay yung decipline na na pabatid mga guro natin noon though masakit at minsan ay mapahiya ka talaga at least you will learn your lesson! iba kasi talaga yung ikaw mismo ang makaka intindi na mali ka talaga kaya naparosahan ka kaya halos lahat kami noon takot sa teacher at maganda ang kinalabasan sa amin lalo na sa mga pamumuhay at kanya2 naming mga pamilya.

Panawagan ko lang sa mga magulang kung alam niyo na basag ulo mga anak ninyo instead na pabayaan ninyo ang guro na mag deciplina tulong2 din pag may time ang goal lang naman natin ay mapaganda ang buhay ng bawat anak natin 

so tayo na mismo gagawa ng paraan wag yung puro sisi nlng sa kasong ito I know hindi kayo nag iisa teacher at hindi rin kayo nag iisa madam opo ikaw po mother ng bata marami ang may case na ganito nasasabi ko yan kasi nag turo din ako noon, 


tulong2 nlng sana wag yung kunting mali involve kaagad si Mr. Tulfo, tao din yan hindi perfect so hindi lahat ng bagay eh asa nlng natin sa kanya ang mga problema natin at hingin siya ng solusyon. I know na kaya niyo masolusyonan ito with the teacher so sana nag usap nlng kayo ng maayus at gawan ng paraan para ma solve ang problem sa mabuting pag uusap at mabuting paraan.

GOODLUCK NLNG TALAGA SA PILIPINAS 10 TO 20 YRS FROM NOW KUNG TAYO MGA MAGULANG GANITO MAG REACT SA MGA GURO NG ATING MGA ANAK! THIS IS REALLY ALARMING!!!!!

***

Source: Junny Villarin

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!