Tagos sa puso! Abogado, pinaliwanag kung 'PAANO BA MAGING TEACHER' - The Daily Sentry


Tagos sa puso! Abogado, pinaliwanag kung 'PAANO BA MAGING TEACHER'




Isang abogado ang nagpahayag ng kanyang punto sa gitna ng mainit na usapin ngayon: ang pagpapa-Tulfo sa isang guro ng mga magulang ng bata na diumano ay dinisiplina ng kanyang maestra.

Narito ang powerful na opinyon ni Atty. Bruce Rivera:

PAANO BA ANG MAGING TEACHER

Madaming bagay dito sa mundo na pwede kang manahimik lalo na kung naniniwala ka naman sa pinaglalaban ng show na ito. 


Malaki po ang respeto ko kay Sir Raffy Tulfo lalo na bilang host ng BolJak kasi nakikita ko ang dami ng tao sa pumipila araw-araw sa show nilang highly-rated. Sa totoo lang, binigyan nila ng lakas ang mga ordinaryong Pinoy. At kung may manloloko sa akin, humanda kayo at ipapaTulfo ko kayo.

Pero, lubha akong nalungkot nung nakita kong episode ng isang magulang na sinusumbong ang isang guro na namamahiya sa estudyante niya. Kasi guro din ako. At ang taong mga mahal ko ay mga public school teachers. Bilang abogado, nakita ko kung paano naging mahirap ang buhay ng isang teacher. May kliyente akong nakakulong ngayon dahil pinigilan niyang magtakbuhan sa canteen ang Grade One students niya. Apat na batang malilikot ang nagtakbuhan sa canteen, kinailangan niyang pigilan kaya nahawakan niya ang braso nung isa. Nagpantal dahil maputi ang bata kaya na-convict ng child abuse ang teacher.


Ito kasi ang problema. Anti-Corporal Punishment na pinagbabawal parusahan ng mga guro ang kanilang mga estudyante. Madami din kasi ang nagmalabis na guro dahil sa Civil Code at Family Code, ang teacher ay special parent pag sila ay nasa school. Kaya pinagbawal ang corporal punishment. Sabi sa batas, pag ang intensyon ng guro ay mag-inflict ng pain, ito ay corporal punishment. Kaya yung guro na pinapakain ng papel ang estudyanteng hindi memorize ang laman nung papel ay guilty ng corporal punishment.

Kung papalabasin ka dahil may ginawa kang hindi ka-nais nais, masama ba yun?

Sa palagay ko ay hindi. Bilang isang special parent, ang teacher ay pwedeng magdisiplina ng nga estudyante nila. Kasi tinuturo ng isang guro ang accountability, responsibility and character building in times of adversity. Yung pamamahiya sa classroom ay normal na nangyayari. Tayong lahat ay napahiya at may kasalanan naman talaga tayo kadalasan. Ako ay pinapublic apology nung high school dahil may naadlib akong di maganda sa isang comical skit. Nagsorry ako sa buong school. Grabe ang kahihiyan nun pero naging aral sa akin yun. Na mag-isip ng mabuti bago magsalita sa publiko. Sa law school, pinalayas din ako ng prof ko na SC Justice ngayon (AJ Rplh, hehe) dahil di ko alam ang kaso ko sa Stat Con. Kaya nung naging law prof ako, pinapalabas ko din ang mga hindi nagbabasa ng kaso. Training yun kasi sa totoong buhay, pwede kang makulong kung abogado ka na at di ka handa. My heart goes to the teacher.


Ito kasi ang hindi maganda sa timpla ko. Ilalabas ko si Sir Raffy dito kasi sa tingin ko, naging reactionary lang siya sa situation at dahil na-meet niya ang mga magulang, nandun ang sympathy niya.

Dun ako nabwibwiset sa mga magulang, sa totoo lang. Bakit?

Una, kung ayaw ninyong mapahiya ang inyong mga anak at ayaw ninyong ihanda siya sa totoong buhay na may taong mamamahiya sa kanya, huwag ninyong papasukin sa paaralan. Kung sobrang maselan ang anak niyo, kayo na magturo at magdisiplina sa kanya. Kasi kung ang gusto niyo ang guro ang luluhod sa mga anak ninyo, eh di wow,!!! Tsaka naisip din ba ng mga magulang na ang mga teachers ay pinapahiya din ng mga students on a regular basis pero din naman nila pinapa-TV yan dahil bilang special parent, may pasensya dapat ang isang nanay sa anak. Kaya lunok pride ang teacher at hindi naman nila binabastos ang mga magulang ng mga sutil na estudyante. Kasi kung tutuusin, ang kabastusan ng mga anak ay dahil natututunan nila sa mga magulang nila.

Pangalawa, kung pinahiya ni teacher ang anak ninyo at galit kayo dun, solusyon bang ipahiya ang teacher sa buong Pilipinas? Anong mensahe ang tinuturo ninyo sa anak ninyo? Ang solusyon sa lahat ay pahiyain ang kapwa. Na idirecho sa media lahat. Huwag na isumbong sa principal kasi may Facebook naman. Hindi ba naisip ng magulang na hindi lang ang teacher ang pinahiya nila kundi dinamay nila ang kanilang anak sa kahihiyan. Kasi imbes na iilang tao lang ang nakakaalam dito, buong Pilipinas ang pinag-usapan sila. Hindi man lang ba inisip ng mga magulang na may manghuhusga sa anak nila? Hindi ba inisip ng mga magulang na mas nakaka-trauma ang pagpapamedia nila kasi pag nagviral na, lahat ng mangmang ay may opinyon na sa buhay ng anak nila. At karamihan ng mga yun, walang pakialam na menor de edad ang bata. Nakakaawa ang teacher pero nakakaawa din ang bata. Sana naisip ng lola at nanay yun.


Huli, pag dinala mo sa media yan, papatulan yan ng kahit anong public service program. Kasi news worthy yan. Hindi ko ma blame ang show for airing it. Ang utak ng lola at nanay ako nagtataka. Nag-iisip ba sila. Okey sana kung wala silang makuhang remedy kaya sila napilitang ipa-Tulfo. Pero may mga ibang remedy na available kung gusto nila disiplinahin ang teacher na hindi na mabubulatlat sa buong bansa ang isyu at idamay ang anak/apo nila. Naiisip ko tuloy na may child abuse na nangyari pero mas liable ang nanay at lola. Ano sa palagay mo, Persida Acosta?

Pasensya na sa reaction ko. Naalala ko kasi ang lola ko na Head Teacher ng Langub Elem School in Argao, Cebu at yung auntie ko na si Linda Rivera na public school teacher sa Magsaysay, Davao del Sur. Kung hindi ako magsasalita, para kung tinapakan ang lahat ng mabubuting guro na hindi takot maging totoong guro at pangalawang magulang.

Source: Bruce Rivera