Kilala ang mga Pilipino sa pagiging malikhain at masikap para kumita ng pera upang may magamit sa pang araw-araw na gastusin.
Larawan mula sa Facebook post ni Aldreen Pelobello Siplon
Sa Facebook post ng studyanteng si Aldreen Pelobello Siplon, ibinahagi nito ang kaklaseng si Paolo Gulapa na nagtitinda ng kape sa kanilang classroom upang may maipangbaon.
Si Paolo ay laging may dalang malaking termos na kung saan meron ng mainit na tubig. Meron din siyang dalang styrofoam cups at ilang pakete ng mga kape na kailangan niya para sa kanyang negosyo.
Naglalagay din sya ng karatula sa labas ng kanilang classroom upang madaling mapansin ng iba na merong kapeng tinitinda sa loob.
In-upload ni Aldreen ang mga larawan ni Paolo sa Facebook upang maipakita kung gaano kapursigido ang kanyang kaklase sa pag-iipon ng pera para makatulong siya sa kanyang magulang at sa mga bayarin sa eskwela.
“Yung classmate mong may matinding pangangailangan at the same time napupunan din ‘yung pangangailangan ninyo," sulat ni Siplon.
Paolo Gulapa / Larawan mula sa Facebook post ni Aldreen Pelobello Siplon

***