Sino si "Inday" na tinutukoy ni Marjorie sa lumabas na viral video kamakailan? - The Daily Sentry


Sino si "Inday" na tinutukoy ni Marjorie sa lumabas na viral video kamakailan?





Mga larawan hango muls sa Instagram at Philstar


Kamakailan lang ay may video ang kumalat, November 2, 2019, na naglalaman ng uapan nina Marjorie Barretto at ng kanyang kasama sa isang ospital.

Maririnig pa sa video si Marjorie Barretto kung saan sinabi nyang gusto niyang "sapakin" ang isang tinatawag niyang "Inday."

Sa nasabing video clip ay makikita sina Marjorie, ang mga anak niyang sina Claudia, Leon, at Dani, at pati na rin si Xavi Panlilio, asawa ni Dani.

Ang nasabing ospital kung saan nakunan ng video sina Marjorie at mga anak nito ay sa isang hallway sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig.

Sa ospital ding ito dinala ang kanilang ama na si Miguel Barretto, at nanatili ng ilang araw bago ito pumanaw noong October 15, 2019 sa sakit na cancer.

Kung papakinggang mabuti ang video, maririnig dito ang pagsabi ni Marjorie sa kanyang kausap na, "Super drama to death si ano, si Inday."

Mabilis namang sumagot ang kasama nito at nagtanong  ng, "Why, what happened?"
"Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko." Dagdag pa ni Marjorie sa kausap.

At muli pang sinabi ni Marjorie sa kausap na, "Sapakin ko na 'tong isa."

Ang naturang video ay unang nakita sa Instagram stories ang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto, na syang kaalitan ngayon ni Marjorie.
 
Sa kasalukuyan at na-delete na ang viral na video sa social media. Bagaman nakakuha ng screen grab and isang netizen na may user name na @bashing.shing at muli itong pinost sa kanyang account.
Mababasa sa caption nito na: "GRABEEEEEEEE!!!!!!! Ang 'inday” ba ni tinutukoy ay si Mommy Inday???

"Grabeeee sasapakin? [shocked face emoji]"

Si Mommy Inday, kung tawagin ng mga taga showbiz, ang ina ng mga Barretto, at kabiyak ng yumaong si Miguel Barretto, ay kilala ding Estrella Barretto sa totoong buhay.

Agad namang nag comment si Gretchen sa netizen na nagshare ng video sa comments column nito: "Yes. This video was sent to via direct message [hands together emoji]."

Is "Inday" Claudine Barretto?

Samantala, may ilang netizens naman ang naniniwalang ang tinutukoy ni Marjorie ay ang kanilang bunsong kapatid na si Claudine, na syang kakampi naman ni Gretchen.

"Teka lang, puwede din 'inday' means Claudine or anybody else...i dunno  pag nag gay-lingo ka “inday" ang tawag mo sa isang tao…I dunno… I just couldn’t wrap my hear around Marjorie saying that to her mom? Omg” comment ng isang netizen.

Nagcomment din ang isa pang netizen, na pwedeng si Claudine daw ang tinatawagni Marjorie  na "dramatic" dahil "laging nasa ospital" ito.

“Si Claudine siguro ang super drama… kasi siya lagi nasa ospital. Esep esep…”

Ayon pa sa isang instagram user diretsahang tinanong nito si Claudine kung siya ang tinutukoy sa video  na “inday” ng kanyang ate Marjorie. “@claudbarretto ikaw ban a inday tinutukoy nila??”

Mayroon ding sagot si Cluadine noong November 2 at kanyang ini-upload ang video, na may caption na: "Wow that’s what you call a GOOD DAUGHTER? I will always be a REAL GOOD DAUGHTER!"

It is not mommy Inday!

Agad namang nagbigay ng statement si Marjorie hinggil sa nasabing posts ng mga kapatid na sina Claudine at Gretchen.

Ayon sa panayam ng PEP kay Marjorie, nung una ay nagdadalawang isip pa daw itong magbigay ng komento ngunit bandang huli daw ay nagpasya na itong magbigay ng pahayag ukol sa video.

Ito ang pahayag ni Marjorie na ipinadala sa pamamagitan ng text messaging sa PEP.ph:

"I don’t refer to My Mom as 'Inday.' We call her Mom or Mommy. Hindi po ang Mommy ko ang pinag-uusapan namin dito. And hindi sinasapak ang 82-year-old Mother. My Mom is one TOUGH WOMAN, none of us can ever overpower her.

"Let this be known to all that My Mom and I are on good terms. There are far more important matters happening in this country like earthquakes. Enough of the Barretto family problems. I don't want to take part anymore in their dirty tricks, tactics, and cyberbullying.

"In the meantime, I hope those who took those videos and continue to spread them online are aware of Republic Act 4200. Ayon po sa batas, it is clearly illegal to record someone (audio and video) without their consent. Siguro po dapat kumuha muna sila ng magaling na legal advice bago nila inilalabas ito maliciously and out of its real context."

Sino nga ba si “Inday” na tinutukoy sa video?

Sa phone interview pa ng PEP kay Marjorie, ayaw namang magbigay ng komento nito kung sino nga ba si Inday, "I don't want to mention her name. I decided not to."

Kung ating babalikan ang pag-aaway ng mga Barretto, unang nagpahaging na hindi on good terms si Marjorie at ang kanilang mommy inday ay si Gretchen. Ito raw ang dahilan ng heart attack ng kanilang amang si Miguel.

Muli ring nagkomento si Gretchen sa Instagram post naman ni Claudine noong October 20, 2019, ayon sa obserbasyon ng isang netizen na hindi kasama si mommy  Inday sa 82nd birthday celebration ng asawang si Miguel noong September 29, 2019.

Komento pa ng netizen: “Pansin ko lang last birthday ni Daddy Mike, wala si Mommy Inday. Hinahanap ko siya sa post ni Marjorie."

Ang sagot namani ni Gretchen sa komentong ito ng netizen: “Because Marjorie did [not] invite my mom to the gathering and [that's] what caused my [dad's] attack".

"My Mom and I are on good terms"

Nagpaunlak naman sa isang primetime news na TV Patrol noong October 23 si Marjorie at itinanggi nito ang mga pinagsasabi ni Gretchen.

Una itinanggi ni Marjorie ang paratang ni Gretchen na "heart attack" di umano ang ikinamatay ng kanilang ama kundi “acute respiratory failure."

Pangalawa naman ay, maganda umano  ang relasyon ni Marjorie sa ina. Ayon kay marjorie, “My mom is always invited. Why wouldn’t she be invited?

"She is my mother and she is the wife of my father. And we are on good terms”.

“If I did not want my mother in the birthday celebration of my father, I wouldn’t have done it in my house."

Dagdag pa ni Marjorie, hindi nakadalo ang kanilang ina sa birthday celebration ng kanilang ama ay dahil ito din ay may sakit.

Sinabi pa ni Marjorie sa interview ng TV Patrol, “My dad claimed to us that my mom was ill that day, that’s why she was not able to join us, which is not unusual... My mom is 82 years old.”

Sa Instagram post ni Marjorie noong October 27, makikitang kasama niya ang kanyang mommy Inday, mga anak, at iba pang-kapamilya.

"There are good days and there are bad days... yesterday was good. Thank you Lord. [heart and praying emojis]," base sa caption nito.

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto


Source: Pep ph