Sikat na Pinoy Mobile Legends player, naglunsad ng fundraising para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao - The Daily Sentry


Sikat na Pinoy Mobile Legends player, naglunsad ng fundraising para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao




Mga larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV


Manila, Philippines – Kamakailan lang ay niyanig ng sunod-sunod na paglindol ang ilang bahagi ng Mindanao, kasama na ang Davao City na syang higit na hinagupit ng lindol.

Marami ang naging biktima nito, may ilan pa ngang hindi pinalad, ang iba naman ay sugatan. Maging ang ilang mga gusali at kabahayan ang nasira ng mga malalakas na paglindol.

Dahil dito, marami sa ating mga kababayan ang higit na nangagailangan ng tulong, gaya ng mga pagkain, tubig, damit at maging masisilungan. *

Tulong para sa mga biktima ng lindol

Bunsod nito, bumuhos ang tulong at donasyon mula sa iba’t ibang parte ng bansa at maging sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ilang mga celebrities din ang makikitang personal na pumunta sa lugar ng mga naapektuhan  ng lindol gaya na lamang ng sikat na sikat na aktres na si Angel Locsin.

Mayroon ding iba na ginamit ang kanilang impluwensya sa social media para makalikom ng donasyon, tulad na lamang ng isa nating kababayan na on line gamer.

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang isang local celebrity streamer na si CHoOx, dahil sa inisyatibo nyang gamitin ang kanyang game streaming na  “CHoOx TV “ para makahikayat mag-donate ang mga netizens  para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao lalo na sa Cotabato. *

Larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV

Nag-enjoy ka na nakatulong ka pa 

Nagsagawa ang CHoOx TV ng misang linggong fund raising event na tinaguriang ‘Stars For A Cause’ na nagnanais tumulong sa mga biktima ng lindol na naganap sa Cotabato.

Ayon ka CHoOx, sa tuwing magbibigay ng mga ‘stars’ sa kanyang mga Facebook game streams sa larong Mobile Legends: Bang Bang ang mga viewers may katumbas itong halaga.

Bawat ‘star’ na ibibigay sa FB live stream ni CHoOx ay may katumbas na bilang mga donasyon at direktang mapupunta para sa mga nasalanta nating mga kababayan sa Mindanao.

Nagsimula ang isang linggong charity event ni CHoOx noon pang November 2, at inaasahan itong magtatagal hanggang November 8.

Agad na nakalikom si CHoOx ng halagang $1371.50 o P69,137 ang kanyang channel sa unang araw pa lang nito, at nasa $725.13 o P36,611 naman sa pangalawang araw nito at sa ikatlong araw ay umabot ng $1039.00 o P52,485.00.

Ang kasalukuyang bilang ng nalikom ay umaabot nan g $3,135.63 o lagpas P158,000. Inaasahan pang madadagdagan pa ito sa mga susunod pang mga araw hanggang Nobyembre 8.

Ang mga nalikom na donasyon ay ginagamit pambili ng mga relief goods na higit na kailangan ng
mga nabiktima.

Samantala, makikita sa FB page ng CHoOx TV ang lahat na nabiling mga relief goods gaya ng pagkain, instant noodles, coffee, can goods at mga kagamitan para sa mga biktima.

Kasalukuyan pa ring mapapanood ang mga streams ni CHoOx sa kanyang facebook page at maaring  magbigay ng mga donasyon sa pamamagitan ng pag-send ng mga ‘stars’.

Ang Mobile Legends: Bang Bang ay ang pinakasikat na mobile game sa bansa at sa iba’t ibang parte ng South East Asia. Ito ay maaring malaro on line ng maraming players sabay-sabay.

Larawan hango mula sa Facebook/CHoOx TV



Source:PhilNews