Alamin kung bakit binigyan ng 7-11 ang batang ito ng college fund na nagkakahalaga ng mahigit P400k - The Daily Sentry


Alamin kung bakit binigyan ng 7-11 ang batang ito ng college fund na nagkakahalaga ng mahigit P400k



Marami na tayong narinig o nasaksihang iba’t ibang kwento tungkol sa panganganak ng isang ina sa kanyang sanggol. Mayroong nakaka-antig ng puso at nakakatuwa. Mayroon din namang nakakamangha.
J’Aime Brown / Larawan mula USA Today

Kamakailan ay nakilala sa buong mundo ang isang sanggol mula sa St. Louis, Missouri dahil sa kakaibang kwento ng kanyang kapanganakan.

Si J’Aime Brown ay ipinanganak sa mismong 7-Eleven Day, 7:11pm at mayroon itong timbang na 7 pounds at 11 ounces.

Si J’Aime ay itinuring bilang "7-Eleven Baby”.
J’Aime Brown / Larawan mula USA Today

Ang mga empleyado naman ng 7-Eleven ay sinisiguradong si J’Aime ay maaalagaan ng mabuti kaya nagkaroon na siya ng pondo para sa kolehiyo at supply ng “childcare goods” na ibinigay sa kanyang pamilya.

Ang kaniyang mga magulang na sina Rachel Langford at Johntez Brown ay talagang tuwang-tuwa sa pagkapanganak ng kanilang baby.
 J’Aime Brown, Johntez Brown at Rachel Langford / Larawan mula USA Today

Ayon kay Rachel, ang kanyang pagpapanganak kay J'Aime ay nakasunod sa isang pattern.

Sinabi niya din sa isang interview sa CNN na nakakita siya ng numerong 7 at 11 ng paulit-ulit sa kaniyang pagbubuntis.

"I thought it was weird at first, and I didn't know that (the numbers) meant so much," saad ni Rachel. 

"A lot of the times (during the pregnancy) I would look at the clock and it was 7:11."

Sa artikulo naman ng USA TODAY, sinabing nagbigay ng tulong ang 7-eleven sa pamilya ni J’Aime.
Rachel Langford, J’Aime Brown, Johntez Brown / Larawan mula USA Today

Rachel Langford at J’Aime Brown / Larawan mula USA Today

"After catching wind of the incredible news, 7-Eleven decided to pledge $7,111 to the newborn’s college fund to honor her entry to the world," saad ng 7-Eleven.

"Along with this pledge, the brand has also provided the family with diapers, 7-Eleven onesies and other newborn goodies to help her parents along the way,” dagdag nito.


***
Source: USA Today / HowToCare