Ipinangako ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang na simula December 1, luluwag ang daloy ng trapiko sa northbound ng South Luzon Expressway (SLEX) dahil bubuksan para sa mga motorista ang temporary two-lane steel ramp sa ibabaw ng Alabang viaduct patungo sa elevated Skyway.
San Miguel President Ramon Ang / Imahe mula The Filipino Times
Maliban sa temporary two-lane steel ramp, bubuksan na rin ang third lane na isinara nang sinimulan ang pagtatayo ng mga poste para sa Skyway Extension project.
“These enhancements will ensure that there will be five lanes available to northbound SLEX vehicles during rush hours, even as we go full blast with the construction of the Skyway Extension project. Motorists will be able to use the original three lanes at the at-grade section, plus 2 more lanes at the elevated section,” pahayag ni Ang.
Ayon kay Ang, hindi naman agarang solusyon ang temporary steel ramp at ang pagbubukas ng isinarang third lane ng SLEX, pero umaasa umano siya na malaking ginhawa ang hatid ng mga ito sa nararanasang heavy traffic sa lugar.
Image mula SMC
Kasabay ng pagbubukas ng steel ramp at third lane ng SLEX ay magdaragdag ng traffic personnel ang SMC management upang tiyakin na magiging maaayos ang daloy ng mga sasakyan sa mga bagong bukas na SLEX lanes.
Ang 10-billion Skyway Extension Project ay inaasahang makukumpleto sa December 2020.
Layunin ng proyekto na masolusyunan ang matagal nang problema sa daloy ng trapiko sa SLEX-Alabang viaduct area.
***
Source: ABS-CBN