Atty Bruce Rivera, Teacher Melita Limjuco, Mr. Raffy Tulfo |
Tulad na lamang ng isang abogado na si Atty. Bruce Rivera mula sa San Beda na nagbigay ng kanyang matinding paliwanag kung bakit tumagos at ramdam na ramdam ng buong bayan ang guro na ipina-Tulfo kamakailan.
Narito ang kanyang napakagandang paliwanag:
BAKIT TUMAGOS SA PUSO NATIN ANG TEACHER?
Natulog lang ako tapos pagising ko inulan na ako ng messages at tags dahil sa post ko kung paano maging teacher. Sa totoo lang, sinulat ko ang comment ko para kay Mama Soping na pinanindigan ang pagiging teacher niya. Hindi ko inisip na madami pala sa atin ang makakarelate. At napaisip ako.
Bakit nga ba humugot sa atin ang isyung ito?
Una sa lahat, nais kong pasalamatan si Sir Raffy Tulfo. Sa laki ng impluwensya ng show niya at Radyo Singko 92.3 News FM, naitawid niya ang usapin sa mamayang Pilipino. Kahit papano, pinag-uusapan na natin ang isyung ito at madami ang aral na mapupulot natin dito.
Back to the question. Napaisip talaga ako. Bakit natin naalala ang mga guro na terror, dumidisiplina at nagtuturo na may halong takot at sindak? Simple: kasi ang paghuhubog ng karakter dinadaan hindi lang sa haplos ng pagmamahal, inuukit din ito sa pamamagitan ng paninindak at disiplina.
Sa burol ng lola ko, nakita ko na karamihan ng pumunta sa burol niya ay kanyang mga estudyante na proud na proud maging estudyante niya. “Maam” pa nga ang tawag sa kanya. May claim to fame silang lahat. Nakurot sila sa singit ng lola ko dahil naging sutil sila. Yung isa nga dun kinausap pa ako para sabihin niya na kahit lumaki na sila, dumadaan sila sa bahay namin para kumustahin si Maam at kadalasan ay napapagalitan pa din sila kung may malalaman ang lola ko na hindi maganda. Tandang-tanda ko pa na nakitang kong kinutusan ng lola ko ang isang lalakeng matanda na dahil nalaman niyang nambabae at student din niya ang asawa nung lalake.
Kung nagtuturo ang lola ko ngayon, malamang nasa kulungan na yun dahil sigurado akong may nalabag siyang batas ngayon. Pero bakit mahal na mahal ng kanyang mga estudyante ang lola ko? Bakit mahal na mahal natin ang mga professor na takot na takot tayo?
Kasi, sila ang epektibo.
Aminin na natin na kadalasan ay hindi natin kasama ang magulang natin dahil nagtatrabaho sila. Kaya kung kasama na natin sila, malimit ay binebeybi tayo ng mga nanay at tatay natin. Normal sa isang magulang na mahalin ang mga anak nila. Normal din na dahil sa pagmamahal na yan, nadadala tayo ng awa at lumalambot ang puso natin. At alam namin bilang mga anak kung paano kayo bilugin. Kuhang-kuha na namin ang kiliti ninyo.
Pero dumating ang panahon na ayaw na natin matakot. Napasok sa utak natin na hindi tayo dapat tinatakot. Ayaw natin ng martial law. Ayaw natin ng military training. Ayaw natin ng corporal punishment. Kaya nagbago na ang pananaw ng makabagong magulang. Unti-unti na ding nawala yung mga gurong mabagsik. Kasi kadalasan ay narereklamo sila o di kaya nakukulong.
Ang resulta: snowflakes.
Nuong kabataan ko, paghindi ko dala ang libro ko lagot ako kay maam. Kaya, bitbit ko lahat ng gamit ko sa school bag ko na de-gulong kasi mahal ang locker rental. Pero we took care of our own things. Pag nawala ang pencil case mo, maghanap ka ng paraan paano magsulat. Kaya nga natututo tayo makipagkaibigan para may back-up tayo. Hindi tayo mapapagalitan ng mga nanay natin at lalo na kay maam.
Ngayon, takot na takot ang mga teachers pahirapan ang mga estudyante nila. Imbes na bilhan ng bag na may gulong, inisyu ng mga parents bakit ambigat ng mga bag ng mga anak nila. Pahirap daw yun. Ngayon, magulang lang ang may karapatan magdisiplina ng mga anak nila. Pati nga sa grades ng mga anak nila, takot na din ang mga teacher. Kasi lahat ng parent sasabihin talaga, matalino ang anak ko. Masipag yan. Pag tinakot mo yan, mawawalan ng gana mag-aral yan. Pag binigyan mo ng mababang grade, mawawalan ng gana mag-aral yan. Nung dati ay estudyante ang takot. Ngayon, teacher na ang takot.
Kaya, tayong henerasyon na resulta ng pagdidisiplina ng teacher ay namimiss ang tough love na sa school natin natutunan. Na-miss natin si maam o sir na takot na takot tayo nung teacher pa natin pero hindi natin nakakalimutan dahil sa mga panahon na tayo ay dumadaan sa pagsubok, di mahirap kasi nakayanan natin ang paninindak ni mam. They were tough enough to care.
Kaya nun narinig natin yung teacher na sinasabing maldita pero nagpakumbaba at inamin ang pagiging mahigpit na nagsosorry, dinurog ang puso natin. Kasi hindi dapat nagsosorry ang mga gurong ganyan. Kasi sila ang totoong nagtuturo ng katatagan. Report card lang? Pero papano mo i-lang ang report card kung ito na ay passport o di kaya ID ngayon. Kung hindi maalala dalhin ang report card at walang epekto, paano kung sa paglaki niya, makakalimutan niya ay passport. Sasabihin mo ba sa immigration, bakit niyo ako kinulong...passport lang yun???? Pwede ko tawagan si nanay sa bahay..wait, patay na pala si nanay. Sa pagpasok mo sa opisina na may no ID, no entry, masasabi mo bang, ID lang yan. Hindi niyo ako dapat pinahiya na di pinapasok.
Ito ang dapat nating tanggapin. We need disipline in our lives. At hindi kaya ng mga magulang ang trabahong ito na sila-sila lang. Kaya nga special parents ang mga teachers at may police power ang estado dahil kasama sila sa paghubog ng karakter ng mga anak natin.
Ang paglaganap ng paggamit ng droga, ang isyu ng vaping, HIV, suicide prevalence ay indikasyon na hindi kaya ng magulang ang trabaho kasi kahit ang mga matitinong parents experience the same problems kasi nasa sistema ang kakulangan.
Yan ang dahilan bakit binoto ng tao si Duterte. Namiss natin yung teacher na kinakatakutan natin kaya umaayos tayo. Alam natin na hindi perpekto si Maam at Sir pero gusto natin ang kanyang epekto sa atin. Love and fear always work together. They always co-exist. Subukan mo magmahal...ang kasunod niyan ay takot.
Source: Atty. Bruce Rivera / Facebook