Isang concerned Pinoy, idinetalye ang sampung sakit ng "Pilipino na Baboy" - The Daily Sentry


Isang concerned Pinoy, idinetalye ang sampung sakit ng "Pilipino na Baboy"




Kaninang umaga lang ay galit na galit si Mayor Isko Moreno dahil sa mga basurang iniwan ng mga vendors sa Divisoria. Nag-ikot kanina si Mayor Isko at kanyang nasaksihan ang sangkaterbang naiwang nakakalat na mga basura sa kalsada at bangketa.

""NAKAKADISMAYA: Matapos bigyan ng pagkakataong mamuhay ang ilang mga vendor sa Divisoria, tambak-tambak na basura naman ang isinukli nito sa taumbayan," ito ang caption sa kanyang Facebook live kaninang umaga.

Ito ang dahilan ng isang concerned Pinoy na magbahagi ng kanyang opinyon tungkol sa ugali ng mga Pilipino. Si Rony Gandeza ay nagpost sa kanyang Facebook account ng sampung sakit ng mga Pinoy na kung saan tinawag niya itong mga "Pinoy na Baboy."


Narito ang kanyang buong post:

Sakit ng Pinoy na Baboy

1. Ang hilig magreklamo...pero sila din naman ang dahilan ng problema.

2. Ang taas mangarap...pero tamad naman. Iinom ng energy drink, pero uupo lang pagkatapos. Parang tanga lang.

3. Puro batikos...wala naman silang mabigay na ibang solusyon.

4. Madalas humihingi ng awa....pero sila di naaawa sa iba.

5. Masunurin kapag nasa ibang bansa....pero kapag nandito ayaw sumunod sa batas. Pasaway!

6. Nakatapos naman sa pag-aaral....pero kung mag-isip parang bobo.

7. Kapos sa pera....pero kung bumili ng alak at bisyo wagas. Tagay pa!

8. Gusto ng equality...pero ayaw nyang maangatan sya ng iba.

9. Ayaw sa corrupt na politiko....pero kapag nabigyan na sila ng cake at chicken joy, fanatic na.

10. Galit sa trapik....pero ayaw namang sumunod sa tamang tawiran at babaan.

Sana daw para tayong Singapore. Doon kapag nag kalat ka, SG$300 - SG$5,000 ang multa.

Tang'na, upos nga ng sigarilyo di mo pa maitapon sa basurahan!

Ang larawan (Kuha kaninang umaga lang) ng isang malungkot na alkade ng Maynila habang tinitignan ang isang kalyeng binaboy ng mga...

...baboy na Pinoy.

Pwede bang paki share nyo sa mga may ugaling baboy.

Source: Rony Gandeza