Guro, ipinaliwanag kung bakit nagkukumahog sila para lang sa isang 'Report Card': "Sagrado po sa amin iyan!" - The Daily Sentry


Guro, ipinaliwanag kung bakit nagkukumahog sila para lang sa isang 'Report Card': "Sagrado po sa amin iyan!"



Rex De Jesus Bibal

Ang natatanging dahilan sa nagiging masalimoot na kinahinatnan sa isyu tungkol sa pagpapatanggal ng lisensya sa isang Guro na pinaratangang namamahiya ng kanyang mag-aaral dahil sa pagpapalabas nito sa klase dahilan ng di-umano'y hindi pag-sauli ng isang report card.

Bumuhos ang mala bahang pagsuporta ng mga netizens maging karamihan ng mga Guro sa panig ni Teacher Melita Limjuco at kinondena ang naging askyon ng mga nagrereklamong magulang at nagpahayag ng kanilang.

Isang guro mula sa Calamba City Science High School na si Rex De Jesus Bibal ang nagbahagi ng kanyang simpatya sa gurong inireklamo at naiintindihan niya kung bakit ganoon nalang ang naging pagtrato ng guro kahit pa sa isang report card lamang.

Sa kanyang post, idinetalye niya kung bakit nagmamadali ang mga Guro na makolekta agad ulit ang mga report card ng kanyang mga estudyante na pinapapirmahan sa mga magulang.

Larawan kuha mula sa Facebook | For illustration purposes only

 "Alam nyo po ba kung bakit nagkukumahog ang isang gurong mapabalik agad sa kanya ang report card na sinulit at pinapirmahan sa magulang?," paunang salaysay ng guro.

Inisa-isa niya ang mga dahilan ng mga maaaring magdulot sa kanila ng bangungot dahilan lang sa isang "Report Car".

Pagpapaliwanag din ni Bibal na dugo't pawis at paghihirap ang kanilang iginugol bilang mga nangangarap maging Guro bago pa makamtan at makuha ang inasam-asam na lisensya.

Dagdag niya na maliban pa sa pinagdaanang pagrereview at ng mismong Licensure Examination for Teachers (LET) tagaktak din ang pawis sa walang humpay na pila sa Proffessional Regulation Commission (PRC) upang mapasakamay lang ang naturang lisensya at ganun ganun na lang kung bawiin at iutos na ipagwalang bisa.


Ito ang kanyang buong post: 

Alam nyo po ba kung bakit nagkukumahog ang isang gurong mapabalik agad sa kanya ang report card na sinulit at pinapirmahan sa magulang?


Larawan kuha mula sa post ni Rex De Jesus Bibal

1. Sagrado po sa amin iyan. Halos kasing ingat ng pag-aalaga ng bagong silang na sanggol ang inalalapat ng bawat guro sa bawat card. Bawal magkamali. Yan ang rule. At kung nagkamali. Aba yung blade na ipangkikilay na sana e nagagamit para sa kaskasin ang pagkakamali. Bawal correction tape. Bawal touch n go. Kahit antok na antok ka na. Kailangan alerto pa rin sa bawat sulat at sa pagdouble check kung tama ang average.

2. Marami nang karanasan na naiwawala ng bata o magulang ang card. Nabuhusan ng kape. Natapakan. Napunit o nalukot ng malikot na kapatid. O sinasabing naisoli na pero ang katunayan e hindi pa talaga.

3. Kapag nawala, narumihan, at nalukot ang card, ang teacher ang kawawa. Bakit? Nakakalungkot sulatan ulit ng kasunod na marka sapagkat ang dating papel na iningatan mo ay ganoon nang kadugyot. Isa pa. Si titser ang mapapahiya kapag checking of forms na mapa-school, district, o division level man yan. 


Mga magulang na nagreklamo kay Teacher Melita Limjuco

Maaaring marami syang maririnig sa checker na hindi kaaya-aya. Na parang kasalanan mo pa. Kung uulitin naman ang naturang card, maraming lagda ang uulitin. Lalong masalimuot. Kailangan ding i-attach pa ang dating card para may basis na walang binagong datos.

4. Minsan pa nga, si titser pa bumibili ng plastic envelope o plastic jacket para sa card nang hindi masalaula ito.

5. Hanggat maaari, halos nais na nga ni titser na huwag nang ipauwi sa bata o magulang ang card. Picturan na lang, pirmahan para safe na safe kay titser. Sa kadahilananang, rollercoaster na kaba at liyok ng sikmura ang iyong mararamdaman kapag sa unang bilang mo ay 36 lang ang card na dapat ay 37.


Kaya nauunawaan ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon ng guro. Na puwede namang pag-usapan sa ppisina nang maayos. Tsaka, hindi po kayo ang magdedesisyon ng pagbawi ng lisensya. May batas. May proseso. Hindi yan request na kailangang matupad sa paraan at panahong gusto mo. 


Mga magulang na nagsumbong kay Raffy Tulfo

Pinaghirapan namin lisensya namin. Dugo't pawis. Hindi basta-basta tatanggalin dahil lang sa impluwensiya ni tulfo. Baka akala nyo, maliban sa hirap ng review at ng mismong LET, lapot din pawis namin nyan sa pagpila sa PRC, mapasakamay lamang. Wag ganun.

-sir bibal-

***

Source:  Rex De Jesus Bibal

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!