Naglabas ng statement ang talent manager/radio host/entertainment columnist na si Jobert Sucaldito patungkol sa nangyaring pagwu-walkout ng singer na si Morissette Amon sa isang concert kung saan guest performer siya.
Jobert Sucaldito and Morissette Amon / Composite photos from Facebook
Nangyari ang insidente sa birthday concert ng newbie singer na si Kiel Alo, na pinamagatang Kiel Alo: Ako Naman (A Hugot King Birthday Concert), sa Music Museum, San Juan City, nitong Miyerkules ng gabi, November 6.
Narito ang buong statement ni Sucaldito:
“Dami nang naglalabasan tungkol sa di pagkanta ni Ms. Morissette Amon sa birthday concert ng alaga kong si Kiel Alo sa music museum last night (November 6, 2019). Medyo nakakagulat at nakaka-shock para sa aming lahat sa production ang mga naglalabasang dahilan. Kaya here i am, masakit man sa loob ko to tell you the real story dahil sobrang mahal ko si Ms. Morissette pero kailangan kong sabihin ang totoo.
Yes, nakiusap ako kay anak-anakang David Cosico, ang business manager ni Ms. Morissette Amon na mai-guest ito.sa birthday show ng alaga kong si Kiel Alo this November 6 and I thought everything was just fine. Nag-rehearse pa sila with out musical director (tito Butch Miraflor) that afternoon and so on and so forth.
Kiel Alo and Morissette Amon / Photo from PEP
To cut the story short, some 15 minutes before the 9pm concert, dumating ang imbitado kong si kaibigang Mario Dumaoal ng TV Patrol para i-cover ang show and everything happened so fast. Ininterbyu niya nang sabay sina Morissette and Kiel and they exchanged pleasantries sa short chikahan with Mario. Part of the question ni Mario ay ang tungkol sa lovelife niya pero very casual na hindi naman bombarding at sinagot naman niya nang maayos. Then sabi nga ni Mario sana raw ay magkaayos na sila ng family niya and Morissette said na “I’m praying po na maayos din ang lahat. In time," and basically wala na. In short, hindi naman masama ang pagtanong ni Mario Dumaoal - very decent, clean and simple.
Then nag-start na ang concert namin. ang portion ni Morissette kasi ay sa dulo - 2 spot numbers and a beautiful duet with Kiel Alo na ni-rehearse nga nila that afternoon with our musical director tito Butch Miraflor. Lumapit sa akin si David Cosico at nagri-request na baka raw puwede naming ilagay sa first part si Morissette kasi tatakbo pa siya sa birthday party ng best friend daw nitong si Moira. In-explain ko kay David na mahihirapan kaming gawin ito dahil naka-sequence ang program namin. Tsaka, we have to admit na si Morissette ang star guest namin along with our veterans na sina tito Jun Polistico and Ms. Eva Eugenio. Finally ay naging okay naman. A few minutes after, mga 3rd song na ni Kiel ay biglang hinila ako ni David sa labas ng theater at meron daw siyang malaking problema. “Hindi kayang kumanta ni Morissette tito. Mugtung-mugto na ang mata sa kaiiyak. She's so devastated," bungad ni David sa akin. I asked why? “She felt so attacked daw sa ambush interview ni Mario Dumaoal sa kaniya," aniya pa. I told him that I was there nung ininterbyu ni Mario sina Morissette and Kiel and wala naman akong napansin na mali sa interbyuhang iyon. In short, ang pakiusap ni David ay kailangang umuwi raw ni Morissette dahil sobrang sama ng loob at pakiramdam. After a while ay nakita ko si Morissette sa backstage na humahagulgol at inuuntog ang ulo sa dingding. Na-shock ako dahil paulit-ulit niyang nuuntog ang kaniyang ulo. What's wrong with this girl? kaloka!
I asked David kung what's the best thing to do. I gave him options - kahit isa na lang ang kantahin ni Morissette 'kako at manghingi na lang ng apology sa audience dahil masama ang pakiramdam niya. David said na hindi raw talaga kaya. Ibabalik na lang daw nila ang ibinigay kong honorarium. Sabi ko, it's not even about the honorarium - ang sa akin lang 'kako ay we have to save our faces to our audience. May mga bumili ng tickets dahil excited silang mapanood si Morissette sa show with Kiel. Nagbigay pa ako another option - kung hindi talaga 'kako makakanta si Morissette, pumasok na lang siya sa stage and mag-apologize to the audience. Hindi rin daw puwede. “Ako na lang aakyat sa stage tito at mag-a-apologize sa audience tito", David suggested. Um-okay pa rin ako kasi wala naman na akong choice pero dapat katabi niya 'kako si Morissette para makita ng mga tao na dumating nga siya sa music museum dahil kung siya lang ang makikita ng tao (David) sa stage ay useless iyon dahil hindi naman siya kilala ng public. Ayoko 'kakong isipin ng audience and sponsors ko na niloko namin sila - na ginamit ko lang ang name ni Morissette para makabenta. Hindi kami ganoon. And you know 'kako, lahat naman tayo ay may kaniya-kaniyang mabibigat na problema pero pag committed tayo, the show must go on. Mabait pa nga ako dahil kung iba iyon hindi talaga papayag.
I advised David na after ng production number ng boys (Kiel, Carlo Mendoza, Kyle Matthew Manalo and La Santos) ay magbu-voice over ako backstage to introduce david and Morissette para sa kanilang emergency announcement and apologies. ang ending, napilitan tuloy akong lumabas sa stage and started to apologize sa audience telling them na for some emergency health reasons ay di nga makakakanta si Morissette - walang lumalabas na boses sa kanya and tinawag ko na silang dalawa. Si David lang ang lumabas sa stage at nag-apologize. Nakiusap akong ipakita si Morissette sa tao - kahit sa gilid lang ng stage para di sila magalit siyempre sa akin - hayun at nakitang humahangos si Morissette papalabas sa venue sa gilid na galit ang mukha. Nakuhanan nga siya ni Maine Nieto ng video na tumatakbo papalabas. Tumayo si mama Daisy Romualdez sa kaniyang kinauupuan at nagalit and said on top of her voice - “Bakit ganyan siya, Jobert? Bakit ka niya ginaganoon?" Then, tumayo si tita Anabelle Rama at nabuwisit din sa ginawa ni Morissette. The venue was 80% full. can you imagine? Dear friend Joel Cruz of Aficionado was in shock too sa audience.
Masakit on my part sobra kasi mahal na mahal ko ang batang iyan. She's my darling baby sa music industry pero bakit niya ito nagawa sa akin? What have I done to her to deserve this? Hindi madali ang mag-organize ng event - hindi biro ang mag-conceptualize to give them nice exposures. Mahirap po magbenta ng tickets - baka akala nila madali. We work so hard para makapagtawid ng kahit maliit pero matinong show. Hindi man lang kami iginalang ni Morissette - nabastos niya kaming lahat with this. Saan ang paggalang niya sa mga seniors ng show? Kay tito Jun Polistico? Kay Ms. Eva Eugenio? Kay tito Butch Miraflor? Kay Kiel Alo na pinaghandaan talaga ang duet nila ni Morissette? Sa mga co-artists niya? Sa mga tao behind the production and most of all, to the audience na kahit sobrang traffic ay dumating para mapanood sila. Anong ginawa mo Morissette? Papaano mo mari-redeem ang sarili mo with this self-destruction?
With what you did Morissette, sana may kumuha pa ng serbisyo mo. Nakakatakot ka palang kunin for shows dahil pag nag-tantrum ka, basta ka na lang aayaw on the spot. That's not fair - grossly unfair.”
***
Source: Pinoy Hottest Celebrities