Larawan mula sa GMA Network |
Viral sa social media ang post ng isang anak tungkol sa nangyari sa kanyang ama matapos hindi ito papasukin sa programa ni Willie Revillame na Wowowin.
Ayon sa post ni Antonette Bernaldez, hindi umano pinapasok ang kanyang ama para sana makapanuod ng Wowowin dahil mayroon daw itong kap4nsanan.
Mababatid sa kanyang post na ang kap4nsanan ng kanyang ama ay hindi nakakakita ang isa nitong mata na ayon sa kanyang anak ay hindi naman ito malaking bagay dahil hindi naman nakakahawa ito sa ibang tao.
Sinabi ni Antonette sa kanyang post na nadismaya at nanliit sa sarili ang kanyang ama sa kanyang narasan.
Larawan mula kay Anonette Bernaldez |
Larawan mula kay Anonette Bernaldez |
Nais lang naman magsaya ng pobreng ama, ngunit labis ang pagkadismaya niya sa programa at sa mga staff ng Wowowin, ganun din ang kanyang anak na tila walang magawa sa sinapit ng kanyang mahal na ama.
Pinalakas naman ni Antonette ang loob ng kanyang ama kahit na pati siya ay nakaramdam ng inis sa nangyaring ito sa kanyang mahal na ama.
Dahil hindi pinapasok si tatay sa Wowowin ay nauwi na lamang siya sa pamamasyal sa mall.
Basahin ang buong post ni Antonette Bernaldez:
"Di ako makatiis..
"Ayaw ko magpost di ako palapost pero hindi talaga ako makatiis sobrang bigat sa puso lalo na pag magulang mo na yung naaagrabyado. Shoutout po sa staff ng Wowowin.
"Sobra naman yung ginawa niyo sa papa ko, hindi nio pinapasok kasi daw may dis4blty? Yung tao gusto lang magsaya at maglibang, sobra namang dscr1mntion ginawa niyo sa tao. Isang mata niya lang ho ang hindi nakakakita, di siya totally bulag. Healthy at sobrang lakas. Maka-kap4nsanan naman kau. Be sensitive. Nanliit tuloy ung tao sa sarili niya.
"My papa have multiple jobs, baka nga mas skilled pa sainyo tatay ko. He is not a liablity gaya ng pinapamukha niyo. May matinong trabaho, sobrang sipag at walang inaasahang tulong sa kahit kanino. Nabuhay kami at nairaos sa marangal na paraan. Kaya sobrang bigat at sama sa loob na mamaliitin nio at hindi nio papapasukin sa show niyo dahil lang sa sinasabi niong kap4nsanan niya na sa palagay ko ndi naman ganon ka big deal. Nakakaiy4k pra sa isang anak na kailangan pagdaanan ng magulang mo ung ganon. Grupo sila tas tatay ko lang hindi nio pinapasok, as if naman may gagawing masama tatay ko o magiging pabigat sainyo. President pa yan ng grupo ng rider na pinapasok nio so sa paanong way magiging pabigat ang tatay ko at hindi nio pinapasok?? Excited payan halos hindi makatulog ksi nga sobrang lodi niya si Wil tapos hindi nio naman pala papapasukin. Sayang effort lumuwas ng maaga at magbyahe. Hindi ko magets. Nakakaloka kayo. Very wrong.
"Only in the Philippines, pag may kap4nsanan sobrang limited nang pde mong gawin. Hays. Manonood kalang ng show kailangan pa perpektong tao ka. Anong klaseng policy yan?
"And to my Papa,
"Ps: Wag kang manliit sa sarili mo. You're my superhero, my superman. Pag-uwi ko ipapasyal kita kahit san mo pa gsto. Di mo kailangan magmakaawa dyan sa show nayan pra lang magsaya at maglibang. I got you.. I love you. See you soon.
***