Larawan mula kay Richelle Gatmaitan Perez |
Isang proud single mom ang nagbahagi sa Facebook ng kanyang naging karanasan tungkol sa dati nitong nobyo na iniwan siya sa ere matapos siyang mabuntis nito.
Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Richelle Gatmaitan Perez, kung saan ay nagpahatid ito ng mensahe sa dating nobyo na hindi pinanagutan ang kanilang naging anak.
Dismayado si Richelle sa dating nobyo dahil mula palang noong ipinagbubuntis niya ang kanilang anak ay iniwan na siya nito at tinalikuran ang responsibilidad ng pagiging ama ng bata.
Dahil dito, mas lalong naging malakas si Richelle sa mga hamon ng buhay sa tulong narin ng pagmamahal ng kanyang pamilya at ibang kaibigan nito.
Ayon kay Richelle, kapag dumating ang panahon na nagtanong ang kanyang anak kung nasaan ang kanyang tatay ay sasabihin nalang nito na ipinadala sa Iraq at namtay dahil sa pagtatanggol sa bayan kahit na ang katotohanan ay iniwan sila nito at hindi nagawang ipaglaban.
Larawan mula kay Richelle Gatmaitan Perez |
Hindi umano nito imumulat ang kanyang anak na may tanim na galit sa kanyang ama at hahayaan nalang nito na mismong ang kanyang anak ang makaunawa na iniwan sila nito at naging duwag sa responsibiliad bilang ama.
Pagdidiin pa Richelle, isang duwag ang ama ng kanyang anak kaya hindi ito kailangan tawaging tunay na lalaki dahil tinalukuran nito ang pagiging ama at walang paninindigan sa sarili.
‘Wag mong ituring ang sarili mo na tunay na lalaki, dahil ng tunay na lalaki ay hindi iiwan ang kanyang anak." sabi ni Richelle
Proud naman si Richelle sa kanyang sarili dahil nakaya nitong maging matatag sa kabila ng sakit na kanyang pinagdaanan sa dati nitong nobyo.
Nangako din si Richelle na papalakihin niya ang kanyang anak na maging isang mabuting tao at hindi magiging tulad ng kanyang ama.
Basahin ang buong post ni Richelle sa ibaba:
To my baby's father, 😊
You missed out on her first kick. You missed out a soon-to-be kid. Hindi mo makikita kung paano siya lalaking isang mabuting tao na malayo sa’yo. Hindi ko siya tuturuang kamuhian ka. Kapag tinanong niya kung nasaan ka, sasabihin kong ipinadala ka sa Iraq at namtay para lumaban sa bansa. Nang sa ganoon ay isipin niyang namatay ka para sa bayan, kahit ang totoo ay isa kang duwag dahil hindi mo kami nagawang ipaglaban.
Larawan mula kay Richelle Gatmaitan Perez |
Ngayon pa lang proud na ‘ko sa kanya dahil sa kabila ng stress na dinala mo sa buhay naming dalawa ay nandiyan pa rin siya at hindi bumibitaw. Buti pa siya, never inisip na umayaw. May alinlangan ako noong una, pero nang maramdaman ko ang pagmamahal ng aking pamilya at kaibigan para sa kanya ay naisip ko na hayaan ka na lang. Hindi ka kawalan dahil marami kaming magmamahal sa kanya.
Minsan napupuyat ako sa pag-iisip, nakakaramdam ka rin kaya ng guilt?
Hindi ako galit sa’yo. Thankful pa nga ako dahil binigyan mo ‘ko ng isang anghel sa buhay ko. Pero nawala ang respeto na dapat sana meron ako para sa’yo. ‘Wag mong ituring ang sarili mo na tunay na lalaki, dahil ng tunay na lalaki ay hindi iiwan ang kanyang anak. Hindi niya hahayaang mamulat ang kanyang anak na walang kumpletong pamilya sa kadahilanang hindi nya kaya ang responsibilidad na kanyang kakaharapin habangbuhay.
Sayang. Masarap maging magulang pero hindi mo man lang sinubukan. Tinanggihan mo ang pinakamasayang responsibilidad sa buhay mo, ang maging tatay ng isang anghel na ‘to.
Larawan mula kay Richelle Gatmaitan Perez |
Wala nang puwang sa’kin ang manisi sa pang-iiwan mo. I don’t see it as anything that I did wrong. You were simply a coward who didn’t have the courage to stick out during tough times. Oo, mahirap ang mga bagay bagay sa simula, ngunit habang tumatagal ay unti-unti ko itong naitatama.
Palalakihin ko ang ating anak na mabuting tao dahil ipinakita mo sa’kin ang mga bagay na hindi niya dapat taglayin at gayahin upang maging isang tulad mo. Sana kung darating ang araw na magkapamilya ka "WAG MO NA TONG GAGAWIN SA KANILA" Mahirap lalo na sa batang lumaking walang kinagisnang ama.
Mahirap sa ina niya ang magpalaki ng batang magisa. Hindi mo man deserve ang saya sa pagkakaroon ng masayang pamilya, hindi ka rin namin deserve ng anak mo yung sakit ng iwan mo kong magisa habang dinadala siya. HINDI MADALING MAGING AMA AT INA. pero gagawin ko lahat ng paghihirap ko sa pag papalaki sa kanya ng SOLO. sana kapag naalala mo yung mga panahon iniwan mo kami, ma-realize mo na kahit gaano kasakit ang ginawa mo ay naging MALAKAS AKO AT KINAYA KO HANGGANG DULO. salamat dahil tinuruan mo akong maging MATAPANG kahit wala akong inaasahang tulong galing sayo. Salamat sa anghel na sasamahan ako hanggang dulo. Ako to... ANG NANAY NG ANAK MO NA NANGANGAKONG HINDI SYA LALAKING DUWAG NA GAYA MO!
PROUD SINGLE & WORKING MOM 😍
****