School Principal, nag-viral matapos pasanin ang may sakit na mag-aaral pababa ng bundok - The Daily Sentry


School Principal, nag-viral matapos pasanin ang may sakit na mag-aaral pababa ng bundok



Larawan kuha mulsa sa post ni Csiir Renan Gonzales

Paaralan ang pangalawang tahanan ng mga estudyante, dito kung saan sila ay hinuhubog sa kani-kanilang angking galing, kakayahan at kaalaman sa tulong ng mga guro at pag-gabay maging man ng kanilang mga Punong guro ng eskwelahan.

Isang nakakaantig damdamin ang ibinahagi na kwento ng isang guro na si Csiir Renan Gonzales mula sa Talingting National High School, Carles, Iloilo.

Sa pinost niya sa kanyang social media account marami ang naantig sa pinakitang taos pusong kabaitan ng kanyang punong guro na si "Sir Babas".

Bahagi niyang isang estudyante ng naturang paaralan ang isinugod sa kanilang clinic dahil dumadaing ito ng masamang pakiramdam dahil sa lagnat at hindin na makayanang makalakad pa, at agad naman nila itong binigyan ng paunang lunas at pinagpahinga.


Larawan kuha mulsa sa post ni Csiir Renan Gonzales

Ngunit noong oras na ng uwian ay ganun padin ang naging sitwasyon ng bata nahihirapang tumayo at maglakad at nasa kabilang isla pa daw ito umuuwi.

Ayon din kay Gonzales, dahil sa di parin makalakad ang kanilang estudyante, agad itong binuhat ng Principal nila pababa ng bundok upang maihatid sa tabang dagat at makatawid hanggang sa kanila isla.

"Agad-agad ay binuhat ni sir ang bata upang dalhin sa tabing dagat kung saan nandoon ang bangka," saad niya

"Malayo po ang tabing dagat mula sa school namin sapagkat ang lokasyon po namin ay paakyat at nasa paanan ng bundok parang mataas na kaming parte ng isla. Binuhat ni sir ang bata pababa ng school upang maihatid ng bangka," patuloy ng Guro.

Umani ng samo't saring paghanga ang ginawang kabaitan ni Sir Babas mula sa mga netizen na nagpahayag din ng kani-kanilang mga reaksyon at pagsaludo sa Punong guro.

Ito ang kanyang buong kwento: 


Larawan kuha mulsa sa post ni Csiir Renan Gonzales

Higit pa sa isang Principal, SIYA AY AMA.
Basahing mabuti. Hanggang sa huli.
Sharing this for inspiration.
November 19, 2019. Talingting NHS, Carles, Iloilo.


Mayroong studyante na dinala sa aming munting clinic sa school. Masama ang pakiramdam at hindi kayang maglakad.Medyo malayo pa ang kanyang uuwian sapagkat nasa kabilang isla ang kanilang bahay kayat pinagpahinga ng saglit sa silid na iyon. 

Binigyan ng gamot at pinainom ng tubig sapagkat may lagnat din. Nong uwian na ay hindi pa rin kaya ng bata na tumayo kung kayat humingi ako ng tulong sa principal namin. Inutusan nya ang isang utility namin na ihanda na ang bangka sapagkat ihahatid ang bata sa kabilang isla. 

Tinanong ni sir ang bata at hindi talaga kaya nitong tumayo at maglakad sa sama ng pakiramdam. Agad-agad ay binuhat ni sir ang bata upang dalhin sa tabing dagat kung saan nandoon ang bangka. 

Malayo po ang tabing dagat mula sa school namin sapagkat ang lokasyon po namin ay paakyat at nasa paanan ng bundok parang mataas na kaming parte ng isla. Binuhat ni sir ang bata pababa ng school upang maihatid ng bangka. 




Larawan kuha mulsa sa post ni Csiir Renan Gonzales
Tignan niyo na lamang po ang mga larawan upang makita. Di po ako inutusan na e post ito, ngunit gusto ko lamang eshare na ang pagmamalasakit ng isang tao ay bukal at naroon parin.

Kindness is really alive.

Marami pa po siyang natutulungan sa napakaraming paraan.

I salute this man, my head.
Sir Babas
Share to inspire.


***

Source: Csiir Renan Gonzales

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!