PNP Nagkaroon ng 10 Patrol Cars dahil sa isang Bilyonaryong Tumangging Magbayad ng Ransom Kapalit ng Anak - The Daily Sentry


PNP Nagkaroon ng 10 Patrol Cars dahil sa isang Bilyonaryong Tumangging Magbayad ng Ransom Kapalit ng Anak



John Gokongwei Jr. | Photo credit to Inquirer
Noong Sabado, Nobyembre 9, 2019, pumanaw na si Mr. John Gokongwei Jr., ang pangatlong pinakamayamang tao sa Pilipinas. Ang taong nagtayo ng isang 'business empire' sa bansa na nagbago sa pamumuhay ng maraming masang Pilipino.

Bumuhos ng napakaraming parangal, pagkilala at papuri ang namayapang tycoon. Mula sa kanyang mga empleyado, mga kaibigan, pamilya at mga taong nakasalamuha nya sa ibat-ibang dekada ng buhay.





The Gokongwei Family | Photo credit to Philippine Star
Kabilang sa mga nagbigay ng papuri kay Mr. John Gokongwei Jr. ay walang iba kundi si Senador Ping Lacson, na nag-tweet diumano ng kanyang hindi malilimutang karanasan noong siya ay isang police officer taong 1981.

Dito kanyang ibinunyag ang naging malaking parte niya upang maibalik sa pamilya Gokongwei ang panganay na anak nila na si Robina na noon ay kinidnap kasama ang pinsan nito. Ayon kay Lacson na siyang Lieutenant colonel noon at namahala sa kaso ng pagdukot kay Robina, siya ang nagpayo kay Mr. John na huwag matakot sa mga kumidnap sa kanyang anak at manapa ay sindakin ang mga ito.

Dito rin sa nasabing tweet ibinahagi ni Lacson ang paraan at statehiyang ginamit nila ng makipag-usap si Mr. John Gokongwei sa mga dumukot sa kanyang anak. 


“Ten million? Do you know how long it will take me to count that money? You can have my daughter!”, ang animoy sinabi ni Mr. John.




Screenshot of Senator Ping Lacson's tweet | Credit to Twitter

Napa-balitang binanggit din ito ni Robina Gokongwei sa kanyang Eulogy sa unang gabi ng burol ng ama.

“I did not know that the Lt. Colonel, and now senator Ping Lacson, was helping my dad negotiate with the kidnappers. After five days, and still getting no money, the sidekick of the leader of the gang, came to me with a worried and angry face. He said, ‘Anim pala kayong magkakapatid! Akala ko nag-iisa ka. Sabi ng tatay mo, pwede ka na ipamigay kasi mayroon pa siyang limang anak. Ano ba yan!’”, ani Robina.

Inamin ni Robina na ikina-lungkot niya ang balitang handa siyang ipamigay ng kanyang ama, ngunit napagtanto ding ito ay isang paraan lamang upang magtagumpay ang kanilang stratehiya.

Sa huli, siya ay nailigtas bago pa mabayaran ang hinihinging ransom ng mga mandurukot. Sinabing inalok ni John Gokongwei si Lacson ng isang pabuya, na diumanoy tinanggihan ng huli at sa halip nagbigay ng 10 mobile police cars sa pamamagitan ni Fidel V. Ramos na siyang Chief PC noon.

Screenshot of Senator Ping Lacson's tweet | Credit to Twitter

Senator Ping Lacson |Photo credit to Journal

“John offered P400k as reward money which I politely declined. He officially donated 10 mobile police cars instead through then Chief PC Fidel V. Ramos,” tweet ni Lacson.

Ang pangyayaring iyon na kinabibilangan isang mayaman na negosyante, mabangis na pulis na ngayon ay isang nang senador, pagdukot sa isang dalagita at isang matagumpay na diskarte at stratehiya laban sa masasamang loob, na pawang isang magandang istorya sa pelikula, ay sinasabing pinakamahusay na kwento ng pagbawi ng gobyerno sa kasaysayan ng pangingidnap noon.