Sa loob lamang ng halos isang taon na pagtatrabaho sa ibang bansa ay nagawa nang makapagpatayo ng bahay ang isa nating kababayan na OFW na tubong Samar.
Matapos
kasing masalanta ang kanilang maliit na tahanan ng bagyong Yolanda noong 2012
ay hindi na napaayos ito napaayos dahil sa hirap sa buhay. *
Para sa mahal sa buhay, susuungin ano man ang hirap
Kaya naman nagpasya na ang kababayan nating ito na
makipagsapalaran sa bansang Taiwan, bagaman mabigat man sa kanyang kalooban,
alang-alang sa mga mahal sa buhay, ay nagpursige sya maghanap-buhay sa ibang
lupa.
Marami ang napahanga sa Pinay OFW na ito dahil
nakapagpundar agad ng bahay dito sa Pilipinas sa loob lamang ng halos isang taon
niyang paninilbihan sa Taiwan.
Umabot na sa mahigit 4 million ang views ng video nitong Pinay
OFW sa Taiwan dahil sa dami ng mga na-inspire sa kwento nyang ito na ibinahagi naman ng Tulfo report.
Aminadong hirap sa buhay ngunit masaya naman ang malaki nilang pamilya, napag-alaman pa na ang simpleng bahay ng Pinay na ito ay
nasalanta pa ng malakas na bagyong Yolanda noong 2012.
Talagang makikita na malaki ang pinsala ng bagyo sa kanilang
tahanan kaya naman tagpi-tagpi na halos ito.
Ngunit, sa kabila ng pagsubok na ito sa kanilang pamilya,
masaya pa rin naman daw silang naninirahan sa maliit nilang tahanan bagaman
maliit ay masaya silang lumaki sa bahay na iyon.
Kaya naman naisip pa rin ng Pinay na mangibang bansa upang
makatikim naman ng kaginhawahan ang kanyang mga mahal sa buhay sa kabila ng
susuungin na hirap. *
Kahit kapos sa budget basta tulong-tulong na gumagawa
Taong 2018 nang siya'y pumunta ng Taiwan. Maayos nyang nagampanan
ang naging trabahao niya roon kung saan unti-unti siyang nakaipon agad ng pera.
Napasimulan agad niya ang pagpapagawa ng kanilang bahay sa
halagang ₱60,000 na budget kahit naman wala pang isang taong pagtatrabaho dito.
Malaking bagay na tulong-tulong na gumagawa ang kanyang mga
kapatid at kaanak kahit halos materyales lang muna ang pinagkagastusan ng pera na
pinapadala nyaon.
Ipinagpapasalamat nya ito dahil mababait ang kanang mga
kaanak at mga kapit-bahay upang magawa ang kanilang bahay.
Hindi pa man daw ito tapos ang kanilang bahay, pero kitang-kita
na ang malaking pagbabago rito. Na sya namang nakakapawi ng kanyang hirap at
pangungulila.
Umaasa siyang matatapos din ang kanilang tahanan sa lalong
madaling panahon sa tulong na rin ng kanyang napangasawang na laging
nakasuporta sa kanya.
Mapapanood sa video na masayang gumagawa ang mga kamag-anak
ng Pinay OFW sa Taiwan kaya naman mabilis at maayos na naitatayo ang kanilang
tahanan.
Mga larawan mula sa Youtube |