Gicela Oloroso / Larawan mula sa Positivety Filipino |
Taong 2011 ng bawian ng buhay ang Amerikanang si Huguette Clark na isang anak ng senador at may-ari ng isang minahan.
Dahil walang anak si Clark, napagdesisyunan nitong hatiin ang kanyang pera at ari-arian sa kanyang mga nurse at aid.
Isa sa mga sinwerte ang nurse na si Gicela Oloroso na taga Sapian Capiz, Philippines.
Napag-alaman bago pa maging nurse si Oloroso ay mayaman na ang kanilang pamilya, kung kaya naman karagdagang blessings daw ang pamana sa kanya ng kanyang amo.
Gicela Oloroso / Larawan mula sa Positivety Filipino |
Napa-bilang naman si Oloroso sa inilabas na libro tungkol sa buhay ni Clark na pinamagatang "Empty Mansion" na sinulat ni Bill Dedman at Paul Newell, Jr.
Taong 1972 nang mamasukan ang 22-taong gulang na si Oloroso bilang nurse sa Amerika at walang kamalay-malay sa naghihintay na swerte mula sa kanyang magiging amo.
Ayon sa balita, nakapangasawa ni Oloroso sa New York ng isang Israeli na ang relihiyon ay Orthodox Judaism kung kaya naman nagpalit si Oloroso ng pangalan bilang Hadassah Peri.
Matapos siyang ikasal sa Israeli ay na-assign si Oloroso bilang isang private nurse ni Clark, isang 82 year old na Amerikana na naka-undergo para sa operasyon sa kanyang karamdaman.
Naging matagumpay ang planong operasyon para kay Clark at nabuhay ito hanggang edad na 104.
Itinuring na isang kapamilya ni Oloroso si Clark at maging ang kanyang day off ay ginugugol nito para alagaan ang kanyang amo.
"For many years (Oloroso) worked for Huguette from 8 am to 8 pm, 12 hours a day, seven days a week, 52 weeks a year. She was up and out of the house before children left for school and home close to bedtime," ayon sa sinulat ng author sa librong "Empty Mansion".
Dahil sa ipinakitang ginintuang kalooban ni Oloroso, pinagkalooban siya ng amo niya ng pitong bahay na ang dalawa dito ay mayroong magagarbong apartment.
Bukod pa dito ay pinag-aral din ni Clark ang tatlong mga anak ni Oloroso sa mga pribadong eskwelahan, at pinag-aral din ng ibat-ibang propesyon ang mga bata.
"She paid for twenty years of schooling for the three Peri children.. for their medical bills, piano lessons, violin lessons, and Hebrew lessons, their basketball and summer camps in upstate New York. When Peris had some trouble with back taxes, she paid for the as well,"
Huguette Clark / Larawan mula Observer |
Ang kabutihang loob ng bawat isa sa kanila ay talaga namang hindi matatawaran at habambuhay nilang ipag-papasalamat ang mga masasayang araw na ipinagkaloob sa kanila ng panahon.
****
Source: GMA News / Youtube