Pedicab Driver, Binigyan ng P100K at permanenteng trabaho sa pagsauli ng Php1.2 milyon sa Dayuhan - The Daily Sentry


Pedicab Driver, Binigyan ng P100K at permanenteng trabaho sa pagsauli ng Php1.2 milyon sa Dayuhan



Larawan mula sa Facebook

Kamakailan lamang, nakatanggap ng gantimpala ang isang pedicab driver mula sa Manila government matapos nitong magsauli ng pera na nagkakahalaga ng Php1.2 milyon at isang mamahaling relo mula sa isang Chinese national.

Ang pedicab driver ay nakilala bilang si Benjie Ordananza, 42 taong gulang at nakatira sa Baseco compound. Ayon sa mga ulat, nanghingi daw si Benjie ng tulong sa mga konsehal ng Metro Manila para ibalik ang isang bag na naglalaman ng maraming pera, relo, at passport ng isang Chinese national.


Mabilis naman tinulungan ng Manila City government ang pedicab driver at hinanap din nila kaagad ang may-ari ng bag.

Si Manila Mayor Isko Moreno naman ay ipinakita si Ordanza sa mga netizens sa kaniyang Facebook live video, at binigyan niya ito ng gantimpala dahil sa katapatan na kaniyang ginawa.

Nakatanggap din ng papuri si Ordanza kay Moreno at sinabi nito na sa kabila ng hirap ng buhay na dinadanas ni Ordanza, nananatili pa din itong tapat at hindi binalak na kuhanin na lamang ang pera.

Larawan mula sa Facebook

Saad ni Moreno sa Chinese national,

“Sa hirap ng buhay ng tao, madali mag-asam ng hindi iyo lalo kung walang nakakakita… He could have done other things other than this (returning it). It is literally very rare especially nowadays.”

Sinabi din ni Moreno na hindi din natatandaan ng Chinese national kung saang lugar niya ba naiwan ang kaniyang pera, ngunit, ito ay isinauli ni Ordanza sa kaniya.


Ani ng Mayor,

“Pwede niyang todasin (di isauli) diba? Wala namang nakakita eh, Diyos lang ang nakatingin sa kanila?”

Dahil sa katapatan na ipinakita ng pedicab driver, binigyan siya ni Mayor Isko at Vice Mayor Honey Lacuna ng kabuuang halaga na Php100,000.

Inalok din ni Mayor Isko ng trabaho ang pedicab driver.

Tanong nito kay Ordanza,

“Gusto mo bang magtrabaho sa gobyerno?”

Aniya pa,

“Oh sige ihahanap kita ng permanenteng trabaho.”

Larawan mula sa Facebook

Sinabi din ni Mayor Isko na sisiguraduhin niya na ang trabaho na kaniyang makukuha ay makakatulong kay Ordonza na bigyan ng mas magandang buhay ang kaniyang pamilya.

Saad ni Moreno kay Ordanza,

“Dahil sa kabutihang loob mo yan ang napapala mo.”


Binigay pa ni Mayor Isko ang kaniyang sariling jacket kay Ordanza. Binigyan din niya ito ng payo tungkol sa mga problema at mga kakaharapin na pagsubok kapag siya ay nagsimula ng magtrabaho sa gobyerno ng Metro Manila.

Aniya,

“Marami kang dadanasin, maraming tuksong kakaharapin, minsan ka ng hindi na tukso wala ka sa gobyerno, eto lang ang masarap sa gobyerno, naglilingkod ka na sa taumbayan, may sweldo ka pa.”

Source: Pinoy Trending