Pastor Quiboloy sa nangyaring lindol sa Mindanao, "Pasalamat kayo dahil ako nagpa-stop ng lindol!" - The Daily Sentry


Pastor Quiboloy sa nangyaring lindol sa Mindanao, "Pasalamat kayo dahil ako nagpa-stop ng lindol!"



Pastor Apollo Quiboloy, larawan mula sa ABS-CBN
Kamakailan lamang ay ibinahagi ng founder ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy na kaniya ding naranasan ang 6.8 magnitude earthquake na nangyari sa Mindanao, ilang araw na ang nakakalipas.

Sinagot din ni Quiboloy, na nag-host sa kaniyang TV show na 'Give Us This Day', ang tanong ng isang netizen sa kaniya na siya daw ang naging dahilan kung bakit nangyari ang malakas na lindol sa Mindanao at karatig lugar nito.

Ani Quiboloy na ang rason bakit kasalukuyan ngayong nakakaranas ng ilang malalakas na lindol ang Mindanao ay dahil marami sa mga taong naninirahan sa Mindanao ang bumabatikos sa kaniya.

“Bakit nililindol ang Mindanao? kasi maraming bashers dito.”
Pastor Apollo Quiboloy, larawan mula sa Bombo Radyo
Para naman patunayan na siya ang nagligtas sa mga tao sa Mindanao, ibinahagi ni Quiboloy na siya ay nasa loob ng kaniyang kwarto at nagpapahinga ng mangyari ang malakas na lindol, ngunit, dahil sa kaniyang kapangyarihan, sinabi niya na siya ang nagpatigil ng malakas na pagyanig gamit ang mga salitang kaniyang binabanggit.

Aniya,

“Sabi ko sa lindol stop! umi-stop, tapos pangalawa mga eleven siguro yun, nandyan yung mga kasama ko, lumindol, umistop din.”

Dagdag pa niya,

“Pasalamat kayo sa akin kasi kung hindi ko pina-stop yun marami kayong magigiba diyan, kaya pasalamat kayo sakin dahil pina-stop ko yung lindol, hindi ko sinasabi ito na walang witness ah, may witness marami, nakapalibot sa akin, sinigawan ko yung lindol.”

Marami naman sa mga sumusuporta kay Quiboloy ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat dito dahil sa pagpapatigil nito ng lindol.
Pastor Apollo Quiboloy, larawan mula sa Sunstar
Aniya ng isa sa kaniyang mga taga suporta,

“Amen!”

Sinabi din ni Quiboloy na nais sana niya itong itago sa publiko, ngunit, isa sa mga netizens ang naging sanhi bakit niya nasabi ito.
Pastor Apollo Quiboloy, larawan mula sa Facebook
Ang naging pahayag naman ni Quiboloy ay kumalat at naging viral sa iba't ibang social media platforms. Ang iba sa ating mga netizens ang natawa sa naging pahayag ni Quiboloy habang ang iba naman ay dinedepensahan ang Pastor at sinasabi na ang kanilang Pastor ay mayroong taglay na kapangyarihan na kayang makapagpahinto ng lindol.

Source: Pinoy Trending