PANOORIN: Tubong bakal na inaagusan ng tubig, nagbubuga ng apoy - The Daily Sentry


PANOORIN: Tubong bakal na inaagusan ng tubig, nagbubuga ng apoy




Larawan mula kay Teody Zamora
Naging usapin sa Social Media ang isa umanong masaganang bukal ng Natural Gas na matatagpuan sa North Cotabato, Mindanao.

Ayon sa Netizen na si Ali Muda na nagbahagi ng video, ang Liguasan March sa North Cotabato ay sagana sa natural gas na may lawak lamang na 220,000 hectares. Sadyang ikinatuwa naman ito ng marami dahil tila mayaman din pala sa Natural Gas ang bansa.

Dati na itong kinumpirma ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na sagana nga ang naturang lugar sa Natural Gas at ang kabuoang lawak na kinababahagi nito, ayon sa kanyang panayam sa GMA.

Pinaliwanag din ni Misuari na ang Liguasan Marsh ay ang natatanging pinakamalaking wetland ng bansa na likas sa Natural Gas, ayon din sa testimonya ng ilang American oil Engineers. Aabot umano sa mahigit $500 Billion ang katumbas na halaga ng likas na yamang taglay ng Liguasan Marsh.
Lawaran mula kay Teody Zamora
Ani Misuari, “Kung i- convert yan sa ating pera, aabot yan ng trillion pesos.”

Samantala, may isa pa umanong natuklasan na bukal ng Natural Gas sa bayan ng Tangtangan, sa lalawigan ng South Cotabato kung saang ibinahagi naman ng Netizen na si Teody Zamora sa isang video ang umaapoy na tubig matapos nilang sindihan ito. Matatagpuan ito sa bakuran ng Vineyard Family Resort.

Sa post ni Ali Muda, sinabi nitong: “Aside from Alegria gas and oil fields in Cebu, there is another place in Mindanao which holds billions of dollars of natural gas.

Panoorin ang video sa ibaba: