Mga epekto ng paghuhugas ng plato na kailangan mong malaman - The Daily Sentry


Mga epekto ng paghuhugas ng plato na kailangan mong malaman




Ikaw ba ang naghuhugas sa bahay ng mga sarili mong pinagkainan? Kung oo, magandang balita ito para sa'yo.

Habang kinatatamaran ng ilan ang paghuhugas ng pinggan, isang pag-aaral ang tila nanghihikayat na gawin ito ng mga tao ng mas madalas.


Ayon ito sa grupo ng researchers mula sa Florida State University ng Tallahassee sa Estados  Unidos na pinangungunahan ni Adam Hanley.

Ang nasabing grupo ay napag-alaman ang mga benepisyo ng naturang gawain.

Batay sa kanilang pag-aaral, ang paghuhugas ng pinggan ay nakakatulong makabawas ng stress. Hindi lang ito basta nakakabawas ng stress dahil may iba pa itong benepisyo tulad ng pagpapatibay ng mental health pati na rin ng pisikal na pangangatawan.

"This study sought to investigate whether washing dishes could be used as an informal contemplative practice, promoting the state of mindfulness along with attendant emotional and attentional phenomena.", ayon sa researchers.

Paliwanag nila, nagre-resulta ito sa "greater state mindfulness, attentional awareness, and positive affect" at "reduced negative affect."

"We hypothesized that, relative to a control condition, participants receiving mindful dishwashing instruction would evidence greater state mindfulness, attentional awareness, and positive affect, as well as reduce negative affect and lead to overestimations of time spent dishwashing."

Gamit ang 51 katao, o mga kolehiyo, pinag-aralan nila ang magiging epekto ng paghuhugas ng plato sa mga ito.

"A sample of 51 college students engaged in either a mindful or control dishwashing practice before completing measures of mindfulness, affect, and experiential recall. Mindful dishwashers evidenced greater state mindfulness, increases in elements of positive affect (i.e., inspiration), decreases in elements of negative affect (i.e., nervousness), and overestimations of dishwashing time." saad ng pag-aaral.