Sa isang Facebook post ng netizen na si Onesimo Corpuz Villabas Jr., pinaalalahan nito ang mga maulang na “huwag agad maniwala sa anak siguro kong aalis ng bahay at kunwareng may gagawing project.”
Larawan mula kay Onesimo Corpuz Villabas Jr.
Ito ay matapos niyang masaksihan ang dalawang kabataang nag-uusap kung paano sila nakakagawa ng paraan upang makahingi ng pera sa kanilang magulang.
Ayon kay Villabas, ang idinadahilan raw ng dalawang kabataan sa kanilang mga magulang upang bigyan sila ng pera ay meron silang gagawing project.
Dagdag pa ni Villabas, maya-maya raw ay naghalikan na ang dalawang kabataan at tila walang pakialam sa kanilang paligid.
“Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila!” kwento ni Villabas.
Larawan mula kay Onesimo Corpuz Villabas Jr.
Narito ang kanyang buong post:
“Habang kumain kami kanina sa isang resto may dalawang kabataan sa kabilang table. Maraming tao sa resto maraming mga mag asawa at matatanda,habang nag hihintay ang dalawang bata/kabataan na mag partner una nag yayakapan pa sila yung sweet na sweet, tapos rinig ko ang pinagusapan nila sabi ng babaeng bata mag kano binigay ng mama mo sayo? Sagot ng lalake: 1000 ,babae: ano sinasabi mo sa mama mo para bigyan ka ng pera? Lalake: sabi ko may project tayo sa School. Babae:ako din yan sinabi ko kaso 500 lang bigay ni mama. Lalake: basta babe mahal na mahal kita ah ikaw na ang forever ko.
Ang reaction ko sa sarili “WHAT?”
Ang babata niyo pa ang galing niyo na manloko sa magulang niyo!
Then yan nga mayamaya yan na yung ginagawa nila na gulat lahat ng tao sa resto pinagtitingnan sila ng mga tao wala silang paki alam,Napa yuko nalang yung dalawang mag asawa sa gilid nila sa pinag gagawa nila!
Malala na talaga ang mga kabataan ngayon!pero hindi ko nilalahat Pero May iilan pa namang May pangarap sa buhay at respeto sa magulang nila☺️
Akoy naaawa sa inyo at sa mga magulang niyo😭Advice ko lang sa mag parents , huwag agad maniwala sa anak siguro kong aalis ng bahay at kunwareng may gagawing project sa labas pwede naman cguro gawin ang project sa bahay mismo at huwag agad bigyan ng pera!
Story of the Day☺️
Sana maka pulot ng aral sa mga kabataan ngayon na ayosin at mag sikap sila sa pag aaral dahil kayo din ang magsisi sa Huli.
Huli pero di kulong..”
***