Arestado ang lalaking Nigerian sa Trece Martires City, Cavite matapos mambiktima ng isang lola. Dito, nakatangay ang lalaki ng P8 milyon mula sa matandang nakarelasyon nya online.
Nasukol ng mga taga Anti-Cybercrime Unit ng Calabarzon police ang suspek na kinilalang si Chimaobi Michael Orjianya nang tanggapin nya ang P380,000 mula sa money mule na inutusan ni Orjianya mag-withdraw ng pera sa bangko.
Money mule ang ginagamit ng mga sindikato at pinagbubukas ng bank account para doon ipadala ang perang makukulimbat nila mula sa kanilang mga magiging biktima.
Kinilala ang biktima ni Orjianya na si "Maria," isang 67 taong gulang, biyuda na taga Cagayan Valley.
Isang lalaki na nagpakilalang "Raymund Santos" umano ang nakarelasyon ni "Maria" sa pamamagitan ng chat noong nakaraang taon.
Nagpakilala ang lalaki bilang isang engineer at contractor sa isang proyekto sa Malaysia ngunit tapos na raw ang proyekto nya kaya naman bumalik na siya sa London, United Kingdom, kung saan umano sya nakabase.
Ang siste, na-hold daw ang bagahe ni Santos sa airport sa Malaysia na naglalaman ng US$ 28 milyon.
Dahil umano sa nangyari, isang "Jerry Lucas" na nagtatrabaho raw sa British embassy ang pinakontak ni Santos kay "Maria" upang ma-release ang bagahe ngunit kailangan muna nyang bayaran ang processing fee.
Paliwanag sa kanya ng suspek, kapalit daw nito ay magiging benepisyaryo si "Maria" ng US$ 28 milyon.
Simula pa noong nakaraang taon, umabot na sa katakot-takot na P8 milyon ang naihulog ni "Maria" sa iba't ibang bank account na ibinigay ng lalaking engineer umano pero walang dumating na bagahe.
Sa kabutihang palad, nakipagtulungan ang money mule na si alyas "Lita" para magkasa ng entrapment operation laban sa scammer na Nigerian.
Base din sa natuklasan ng pulisya, isang taon nang expired ang visa ni Orjianya, na iginiit na hindi totoo ang mga paratang sa kanya.
Nagbabala muli ang pulisya sa publiko tungkol sa mga love scam at nanawagan sa iba pang biktima na lumantad at magsampa ng reklamo.
Nahaharap ngayon sa kasong estafa ang suspek.

Panuorin: