Open letter para sa mag-inang nagreklamo sa guro: "Kailanman ay hindi magiging tama ang inasal niyo" - The Daily Sentry


Open letter para sa mag-inang nagreklamo sa guro: "Kailanman ay hindi magiging tama ang inasal niyo"



Mag-inang sina Salve Bañez at Rosemil Edroso / litrato mula sa Raffy Tulfo in Action YouTube
Marami ngayon ang sumasalungat sa programang Raffy Tulfo in Action at sa mag-inang sina Salve Bañez at Rosemil Edroso na kamakailan ay dumulog sa programa ni Tulfo para ireklamo ang isang gurong si Gng. Melita Limjuco.

Tila hindi nagustuhan ng karamihan ang pagpapakansela ng lisensya ng guro at naniniwala ang maraming netizens na hindi daw ito makatarungan.


Isang guro ang nagsulat ng open letter para sa mag-inang sina Salve at Rosemil tungkol sa issue. Ayon kay Roel Libunao, mahirap ang maging guro ngayon dahil kahit ginagawa ang lahat ay sa huli sila pa rin ang sisisihin.

Roel Libunao, isang guro / litrato mula sa kanyang Facebook account
"Ang hirap na maging GURO ngayon. Lahat ng pagpapagal ginagawa ng mga GURO pero in the end ang mali laging isinisisi sa Guro," ani Roel.

Sinabi pa ni Roel na sana pinag-usapan na lang ng pribado ang problema at hindi ito ibrinoadcast pa sa buong mundo.


Narito ang buong open letter ni Roel Libunao:

OPEN LETTER PARA SA MAGULANG NA ITO, AT SA NANAY NIYA

Ang hirap na maging GURO ngayon. Lahat ng pagpapagal ginagawa ng mga GURO pero in the end ang mali laging isinisisi sa Guro.

In the first place kayo po ang Magulang ng bata. Sana pinagusapan ninyo iyan ng PRIBADO at kayo lang ang nakakaalam na hindi na kinakailangan pang ibroadcast sa buong mundo. Ang masakit pa dito, kinampihan pa kayo ni Tulfo kahit ang totoo napaka-unfair dahil gusto ninyong mawalan ng lisensiya ang Guro na nagpakahirap ng ilang taon sa serbisyo tapos matatanggalan lang agad agad ng lisensiya.

To stand in what is right is I think what I can do as a teacher also! Hindi kailanman magiging tama ang inasal ninyo sa harap ng telebisyon, and to think na kakampihan kayo ni Rafy Tulfo kaya ang lakas ng loob ninyong hilingin ang pagbawi ng lisensiya ng Guro!


At bakit naman ipatatanggal ninyo po ang lisensiya? Hukom po ba kayo? Korte, na agad-agaran ang nais ninyo matanggalan agad ng lisensiya yung teacher.

HINDI PO NAMIN GUSTONG HUMULMA NG FUTURE CRIMIN4LS!

Paalala ko lang po sa inyo, ang TULFO pang mag-asawa at bugbugan ang forte nyan. Dinamay ninyo pa ang bata at hindi ninyo naisip ang epekto nito sa bata in the future.

Panghuli, sino kayo para mag-utos na bawiin ang lisensiya ng Guro? Dapat tanggalan din kayo ng Birth Certificate kung ganun!

Source: Roel Libunao / Facebook