Ang ating mga guro ay tumatayong pangalawang magulang sa eskuwelahan at sila ang tumulong para mapanday at mapahusay tayo.
Selene Amaris / Larawan mula sa kanyang Facebook account
Ang mga guro natin mula elementarya hanggang kolehiyo ay masasabing mga tahimik na bayani ng bawat henerasyon.
Kasama rin sa kanilang pagdidisiplina ang pagalitan at kung minsan ay paluin tayo upang maituwid at malaman natin ang ating mga pagkakamali.
Subalit sa panahon ngayon ay tila nagbabago na ang ilang nakasanayang pagdidisiplina sa mga bata na nagiging sanhi ng kanilang mali at masamang asal.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Kaya naman mabilis na nag-viral sa social media ang open letter ng isang netizen para sa mga magiging guro ng kanyang anak.
Isa si Selene Amaris sa mga nagpahayag ng kanyang opinyon patungkol sa kontrobersyal na isyu na kinasasangkutan ng isang Teacher na ipina-Tulfo ng magulang dahil sa pagpapahiya di-umano sa kanilang anak sa paaralan.
Ayon sa Facebook post ni Selene, kung gusto man ng guro ng kanyang anak na itapon ang test paper nito dahil nahuling nangongopya ay gawin nito dahil ayaw niyang lumaki ang kanyang anak habang iniisip na tama ang magsinungaling at mandaya.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Kung ayaw ng guro na tanggapin ang proyekto ng kanyang anak dahil ito ay late na sa pagpasa, huwag ng tanggapin dahil gusto niyang matuto ang kanyang anak na pahalagahan ang oras.
Dagdag ni Selene, gusto niyang ipaintindi sa kanyang anak ang pagpapahalaga sa kanyang guro bilang kanyang pangalawang magulang.
Narito ang buong post ni Selene:
“An open letter to my son's future teachers:
If you catch him cheating and you want to throw his examination paper to the waste basket, go ahead and do it. I don't want him to grow up thinking it's okay to lie and cheat. If he deserves to fail, then go ahead and fail him. I do not want him to progress in school with fake grades. Challenge him with the reality that he needs to do better. You no longer want to accept his project because it is three days late? Then reject it. I want my son to value time and deadlines. You feel like confiscating his phone because you caught him playing online games in class? Confiscate that phone. I want my son to know the right place and time for gadgets. You found out that my son was cutting classes? Go ahead and reprimand him. Tell him what he needs to hear, let him pay the consequences. He needs to value your worth as a teacher and as a second parent.”
***
Source: Selene Amaris | Facebook