Mga estudyanteng nakaranas ng pagdidisiplina noon, sila ang umunlad, marespeto at may magandang ugali - The Daily Sentry


Mga estudyanteng nakaranas ng pagdidisiplina noon, sila ang umunlad, marespeto at may magandang ugali






Ibinahagi ng isang OFW na si Brad Totoy Rodriguez ang mga ibat-ibang pamamaraan ng pagdidisiplina ng mga Guro sa kanila noong mga panahong silay mga nag-aaral pa tulad na lang ng pamamalo, iskwat, paghila ng patilya at mga nabato ng chalk at eraser.

Ayon din sa kanya, karamihan sa mga bata o ng mga mag-aaral na nakaranas sa mga idinetalye niyang pagdidisiplina noon ng mga Guro ay kitang-kita na gumanda ang mga buhay ngayon, sila'y mga disiplinado, marespeto, mga nahubog sa magagandang ugali. 


"Ang Mga BATANG NAKATIKIM ng mga ganito mostly sa kanila makikitang gumanda ang buhay ngayon, disiplinado, marespeto, mga nahubog sa magagandang ugali na shinishare sa kanilang mga anak ngayon," saad ni Rodriguez


Pag-amin din ni Rodriguez na iba na talaga ang kung anong meron sa mga kabataan at mag-aaral ngayon. At doon sa lahat ng kanyang mga naranasang pangdidisiplina noon ay isa na lamang ala-ala na pwede niyang maibahagi sa kanyang mga anak.


Larawan kuha mula sa post ni Brad Totoy Rodriguez


Ito ang kanyang buong salaysay:

ISANG LIKE (👍) PARA sa mga Batang 80s and 90s na nakatikim sa kanilang GURO ng palo, squat, sit up, push up, mga nahila ang patilya pataas at pababa, mga namula ang tenga sa pingot, mga pinandilatan ni teacher ng malaking malaking mata habang sinesermunan, mga pinagdamo, mga nakurot sa braso at singit, mga nabato ng chalk at eraser, 

mga pinatayo sa klase, mga pinaglinis ng buong classroom at kubeta for punishment, mga lalakeng naukaan sa buhok dahil ayaw magpagupit, mga pinalabas sa klase dahil sa maiingay, mga pinagsulat sa papel back to back ng "Sorry po Mam hindi ko na po uulitin" atbp.. 😅


Ang Mga BATANG NAKATIKIM ng mga ganito mostly sa kanila makikitang gumanda ang buhay ngayon, disiplinado, marespeto, mga nahubog sa magagandang ugali na shinishare sa kanilang mga anak ngayon. ❤




Mga panahon na kapag naaalala mo napapangiti ka na lang o natatawa, at napapasabi ka na lang ng.......

Thank you po Sir, thank you po Mam sa pagtitiyaga at sakripisyo.😘
#Batang80sAnd90s
#SaluteToAllTeachers ❤

Para sa akin isang alaala na lang ito na mali para sa iba at tama para sa iba.


Iba na ngayon, may batas na na dapat sundin kaya for me isang karanasan na lang ito na pwede kong maikwento ko sa aking mga anak. 

Note: the picture does not belong to me, just picked it up somewhere in facebook for the completion of my message. Credit to the original owner. ✌🏽

***

Source: Brad Totoy Rodriguez

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!