Noon at Ngayon: Kaibahan ng pagdidisiplina noong 90’s sa eskwelahan, ibinahagi ng isang DepEd Engineer - The Daily Sentry


Noon at Ngayon: Kaibahan ng pagdidisiplina noong 90’s sa eskwelahan, ibinahagi ng isang DepEd Engineer



Naging mainit na talakayan sa social media ang kontrobersyal na isyu patungkol kay Gng. Merlita Limjuco, ang gurong nais tanggalan ng lisensya sa pagtuturo ng mga magulang ng batang ipinahiya niya umano sa paaralan.
Elementary students mula Sta. Cruz National High School, San Juan Leyte (1996) Larawan mula Suel Vela

Marami ang nagpahayag ng kani-kanilang mga saloobin at opinyon partikular na ang mga kapwa guro ni Gng. Limjuco.

Isa sa mga naglabas ng kanyang saloobin ay si Joam Alcantara, isang Department of Education (DepEd) Engineer. ibinahagi nito kanyang naging karanasan sa eskwelahan noong siya ay nag-aaral pa lamang.
Larawan mula Facebook

Kwento ni Alcantara, noong siya ay nasa Elementary pa lamang ay naranasan niyang mag-squat habang ang magkabilang kamay ay may nakapatong na mga libro, hatawin ng stick ang mga kamay at mabilad sa init ng araw. Ngunit nagtatawanan parin silang magkakabarkada.
Joam Alcantara / Larawan mula sa kanyang Facebook account

Kahit nasa Kolehiyo na siya ay naranasan parin niya ang katakot-takot na salita ng kanyang guro at palabasin ng silid aralan dahil wala itong dalang assignment.  

Talagang hihiwalay ang balat mo sa katawan sa sobrang hiya mo sa sarili mo. Pero kahit ganon, never kong tinake na pinapahiya ako ng teacher ko,” kwento ni Alcantara.

Dagdag pa niya, hindi niya inisip na ipinapahiya siya ng kanyang guro, bagkus ay “gusto ng teacher ko mag improve ako. Maging disiplinado ako. Gusto ng teacher ko, mag succeed ako sa buhay. Kase mahal ako ng teacher ko.”

Ayon kay Alcantara, ipinagdarasal niya na sana ay hindi “maging sakit ng lipunan ang mga kabataan ngayon dahil sa kawalan ng disiplina.”

Narito ang kanyang buong post:

“IDOL RAFFY NOON, RAFFY NA LANG NGAYON.

I am very disappointed. Eto na yata yung pinaka worst na episode ng Raffy Tulfo in Action. Hindi man lang inalam ni Sir Raffy both sides at hinimay ang buong detalye. Basta ipinatanggal ang lisensya ng guro. Nakakatakot maging makapangyarihan. 😪😪😪

As a Batang 90’s, at makulit na estudyante mula Day Care hanggang College, ang Nanay ko noon lagi pang sinasabi sa teacher ko na “Ma’am pag makulit po ang anak ko, ibitin nyo patiwarik.” Pag kami nagkukulit, pinapa squat kami ng mga teacher namin habang may nakapatong na libro sa magkabilang kamay. Pag nanakit kami ng kaklase namin, hinahataw ng stick ang mga kamay namin para magtanda. Nakaranas pa kami noon na sa sobrang pasaway namin magbabarkada, binilad kami sa initan. Nagtatawanan pa kami non. Elementary days yan. Noong college ako, kapag wala akong assignment, katakot takot na salita ang aabutin ko non sa Professor ko. Palalabasin ka ng klase, mangiyan ngiyak pa ko non kase ako dapat ang magpe present that time. Magpe present ako nung pinag puyatan ko na presentation. Kapag late kami ng 1 minute sa oras ng klase, locked na ang pinto. Wag ka ng magtangka pumasok dahil makapasok ka man, “out you go” ang bubungad sayo. Talagang hihiwalay ang balat mo sa katawan sa sobrang hiya mo sa sarili mo. Pero kahit ganon, never kong tinake na pinapahiya ako ng teacher ko. Kase what do I expect? Maingay kami sa klase, nakipag away kami sa mga kaklase namin, papasok kami ng walang assignment, worst papasok ng walang alam. Anong ine expect namin na marinig at maging reaksyon ng titser namin samin? “Wow, ang sipag sipag mo namang bata pumapasok ka ng walang assignment, sana tularan ka ng mga kaklase mo.” Ganon? Mula elementary ang dami kong embarrassing moment na naranasan sa mga naging teacher ko, pero never ko yon tinake na pinapahiya nila ako. Imbis na isipin na pinapahiya nila ako, inisip ko na lang na “gusto ng teacher ko mag improve ako. Maging disiplinado ako. Gusto ng teacher ko, mag succeed ako sa buhay. Kase mahal ako ng teacher ko.”

Kaya kayo, kung may mga pagkakataon na masigawan kayo ng mga teacher nyo, mapagalitan, mapagsabihan, wag nyong isipin na gusto nila kayo ipahiya. Ang gusto nila mag grow tayo, maging disiplinado tayo, dahil yung ang magdadala satin sa tagumpay. Wag kayong malungkot kung palagi kayong pinapagalitan at pinasasabihan. Nagpapakita lang yon na nag aalala sila sa inyo at gusto nila kayong maitama. Malungkot kayo kapag puro mali na ang ginagawa nyo pero hindi man lang kayo pinagsasabihan ng guro nyo. Ibig sabihin non, wala na silang pake sa inyo.

I remember there was a time nung college ako. Meron akong sobrang higpit na professor. Terror kumbaga. Walang assignment, out you go! Late? Out you go! Nagbigay ng handouts para sa susunod na discussion, hindi mo binasa tapos nganga ka sa klase nya? Out you go!
Anyways, skl naman yan. Lets back to the topic.

What im trying to say is, ibang iba na ngayon. Ganyan yung way ng pag disiplina noong bata kami. Pinapalo sa kamay, pinapaluhod sa munggo, pinapa squat ng may nakapatong na libro, binibilad sa initan, tayo sa labas ng klase, at thankful kami. Dahil sa ganyan, lumaki kaming disiplinado. Ngayon? Pag ang bata nadapuan ng kuko ng titser, DepEd agad. Tulfo agad! Tanggal ang lisensya. Kawawa. Oo, kawawa. Hindi yung mga titser na tinanggalan ng lisensya. Kawawa ang mga kabataan ngayon na bine baby natin. That’s the reason why generation of today are lazy and irresponsible. Pagdasal ko na lang na balang araw, hindi sana maging sakit ng lipunan ang mga kabataan ngayon dahil sa kawalan ng disiplina. 😌😌😌

“Likas sa mga bata ang pagiging pilyo. Ngunit sa pamamagitan ng palo, sila’y matututo.” - Kawikaan 22:15”


***