Netizen nanawagan kay Mayor Isko na aksyunan ang mga parking attendants na sobra ang singil - The Daily Sentry


Netizen nanawagan kay Mayor Isko na aksyunan ang mga parking attendants na sobra ang singil



Sa isang Facebook post ng netizen, nanawagan siya kay Manila City Mayor Isko Moreno na bigyang pansin ang mga parking attendants na naniningil ng sobra o doble kesa sa mismong nakalagay sa ticket.
Screencap mula sa video ng netizen

Sa videong in-upload ng netizen, mapapanood ang pag-uusap nila ng isang parking attendant dahil sobra umano ang sinisingil sa kanya.

Makikita sa ticket na 30pesos lamang ang nakalagay sa ticket para sa unang tatlong oras at karagdagang 20 pesos kada sumobrang oras. Ito ay para sa mga medium vehicle katulad ng van at delivery truck.
 Screencap mula sa video ng netizen
Screencap mula sa video ng netizen

Ngunit sinisingil umano ng attendant ang netizen ng 70 pesos. Dito na umalma ang uploader dahil hindi umano ito tama.

Maririnig rin sa video ang uploader na nagsabing, “makakarating to kay Mayor.

Sagot ng attendant, “walang problema sir.”

Narito ang kanyang buong post:

“Nakakalungkot pong isipin na sa kabila ng pagsasaayos ni Mayor Isko "Yorme" Moreno ay may mga gantong klaseng tao na sumisira ng Maynila.

Kahapon ng Nov 23, 2019 kami ay nagpunta sa Sta Cruz Manila para mamili at makita ang ganda ng Maynila. Magpapark po sana kami sa tabi ng Mcdo along Rizal Avenue after Carriedo Station, nakita naman po namin na safe and maayos naman po yung parking na hindi nakasagabal sa kalsada. Ngunit pagdating na pagdating namin ay may dumating napo na isang parking attendant at maniningil ng parking fee na 70 pesos daw po ang bayad, ako po ay nagulat sa presyo nya kasi ang lagi naman base rate ng mga parking ay P40 or P50 kaya dali-dali kong tinignan ang ticket na inabot nya sa akin at ng makita ko ay mukang sinadyang sulatan yung part na may presyo kaya di mo na nakikita talaga(Medyo malabo po yung kuha ng ticket sa pagmamadali sa part na yun). So, ang sabi ko patingin ako ng ibang ticket mo, at yun na nga bumulaga na po ang 30 pesos lang na rate. Kaya ang sabi ko sa kanya bakit ka naniningil ng 70 pesos e 30 pesos lang ang nakalagay sa ticket, ang sagot ng parking attendant, e sir pano naman kame. Lalo po akong nagulat kasi kung iisipin po ninyo sa total na P70 at P30 lang ang nasa ticket at ang sobra e P40 e di hamak na mas malaki pa ang kita nila sa mismong parking. Kaya ang sabi ko sa parking attendant e parang hindi ata tama yan di ako papayag na magbayad sayo ng 70 pesos e 30 pesos lang naman talaga ang nakalagay sa ticket. At yun napo ang mga sumunod na nangyare.
Screencap mula sa video ng netizen
Screencap mula sa video ng netizen

Panuorin nyo nalang po kung tama po ba ang ginagawa ng taong to sa mga magpapark.

Pinaalis po kami ni Boy 70 sa lugar na nakapark napo kame.

Fyi po ako po ay hindi mag-isang pumunta, kasama ko po ang aking mga anak at ang dalawa ko pong byenan na senior citizen na.

Mayor Isko ako po ay humahanga ng lubos sa mga ginagawa ninyo sa Maynila pero kung may mga gantong klase pong tao na nanlalamang sa kapwa ay parang di po ito fair sa mga kababayan natin. Sana po ay maaksyunan po ito.

Pakishare nalang po natin to.”




***
Source: Facebook