Sa Facebook page na “Pangasinan Buy and Sell”, ibinahagi nito ang karanasan ng netizen na si Cid Marion Udaundo-Estrada kung saan muntik na siyang mabiktima ng mga manloloko.
Larawan mula Facebook
Ayon kay Estrada, kararating lamang niya sa isang bus station sa Cubao upang umuwi sa Pangasinan nang merong lalaking humarang sa kanya.
Kwento ni Estrada, inalok raw siya ng lalaki ng trabaho, at dahil paghahanap ng trabaho ang kanyang ipinunta sa Maynila, pumayag siya sa job offer ng lalaki.
Pagdating raw sa office ng pag-aaplyan niya ay nakausap niya agad ang kanyang interviewer ngunit nagulat si Estrada nang singilin siya ng 300 pesos “para daw sa shares.”
“Pag pasok ko dun Sa office Nila beside five star station ,nakausap ko agad Yung mag interview sakin Ang daldal Pero naintindihan ko naman mga Sinabi Nya hanggang nung naningil sya ng 300 pesos para daw sa shares Pero refundable pag balik ko, nagtaka ako agad,” kwento ni Estrada.
Larawan mula Facebook
Dito na raw siya nagduda at naisipang umalis. Sinubukan raw ni Estradang umayaw at tumayo para makaalis ngunit nagalit raw ang babae at tinawag siyang bastos.
Ipinaliwanag ni Estrada na wala siyang pera at tanging pamasahe pauwi ng Pangasinan lamang ang kaniyang dala.
Pinilit pa raw siya ng babae na 150 nalang ang kanyang ibayad ngunit hindi siya pumayag.
Sa huli ay pinaalis din si Estrada matapos magbigay ng 10 pesos.
Narito ang kanyang buong kwento:
"INGAT SA MGA SINDIKATO SA CUBAO
"10 mins scenario 😡"
Kanina Lang,Kakarating ko ng five star station Sa cubao pauwi ng pangasinan ng may humarang sakin Na lalake.
"Oh sir Anong height mo? Ilang taon ka? Nag aaral kapa?Sabay bigay ng job offering Na papel"
Ako naman Syempre sumagot ako agad "5'4, 21 yrs old po graduate Na" purpose ng pag Punta ko naman Sa Manila Ay maghanap ng work.
Pag pasok ko dun Sa office Nila beside five star station ,nakausap ko agad Yung mag interview sakin Ang daldal Pero naintindihan ko naman mga Sinabi Nya hanggang nung naningil sya ng 300 pesos para daw sa shares Pero refundable pag balik ko, nagtaka ako agad.
"Ay ma'am sorry May ganito pala"
Umayaw ako,Tumayo ako. Sabay Sabi sakin
"Sir umupo ka wag kang bastos nagsasalita ako, Andyan supervisor namin”
Tinakot ba naman ako, Hindi nako nanggulo Kaya Sabi ko nalang
"Sorry Pero Wala akong pera sakto Lang dala kong pamasahe"
Gusto Nya icheck wallet ko Pero Sabi ko Hindi Pwede, Buti nalang nasa bulsa ko Yung pera ko Tapos 290 Ang nasa wallet. Pero lakas maka gamit ng rules and regulation Nya, Kaya pinakita ko wallet ko
Kaya Sabi Nya half nalang daw
"sir Kung Hindi nyo Kaya half nalang refundable naman"
"Ma'am 280 Ang pamasahe ko pauwi ng pangasinan Sa tingin nyo kasya pa yan pag nagbigay ako ng 150?"
"Sige sir 10 nalang para dito Sa paper Na Na fill upan mo"
"Okay." Tapos bigay ng 10 pesos 😂
"Balik Lang kayo sir pag nagustuhan nyo"
Umalis nako agad 😏
PAG MAY HUMARANG SA INYONG GANYAN IWASAN NYO AGAD KAHIT GAANO NYO KA KELANGAN 😂
They will force you to pay them Kasi pumasok ka at Hindi ka makakalabas Na Walang iniiwang salapi dun.
Ibahagi natin sa iba para maging aware din sila guys. Sana wala ng mabiktima tong mga kupal na to!