Netizen nag-magandang loob sa isang matanda na hirap sa pag-aabang ng masasakyan - The Daily Sentry


Netizen nag-magandang loob sa isang matanda na hirap sa pag-aabang ng masasakyan



Likas sa mga Pilipino ang pagiging mapagmahal at matulungin sa mga lolo at lola, kadugo man o hindi. Sa tuwing makakakita tayo ng matatandang tila hirap na sa paglalakad o pagkilos ay hindi natin maiwasan ang maawa sa kanila.
Cedrick Lee and lolo / Larawan mula sa Facebook

Ito ang ipinamalas na kabutihan ng netizen na si Cedrick Lee.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento nito kung paano niya tinulungan ang isang matandang lalaki na makauwi dahil hindi ito makasakay ng jeep.

Kwento ni Lee, napansin niya ang isang matanda na may dalang tungkod habang nag-aabang ng jeep na masasakyan sa Pamplona, Las Piñas. Sampung minuto na raw ang nakalipas ngunit hindi parin ito nakakasakay.

Ayon kay Lee ay mukhang iniiwasan ng mga jeepney driver na isakay ang matanda. Hindi na siya nagdalawang isip na kausapin ang matanda at alukin na ihatid nalang ito.

sabi ko tay hatid na kta kanina kpa dyan init pa. Ayun nag smile si tatay at nag pasalamat,” ani Lee. 

Narito ang kanyang buong Facebook post:

"Kaiyak naman si tatay 'pag matanda kna at nakita nilang my tungkod ka prang ayaw k nila isakay kasi makupad na ganito saten sa pilipinas. -tatay ðŸ˜¥.

Nakita ko si tatay naka park ako sa bdo pamplona 3, kasi galing ako bangko nkatambay muna ako tas pinag mamasdan ko sya mga 10 mins na sya para ng para e walang napansin at humihinto sakanya na jeep kaya nilapitan ko sya at tinanung na tay san k punta sabi nia sa pamplona uno lng bago mg CTK, sabi ko tay hatid na kta kanina kpa dyan init pa. Ayun nag smile si tatay at nag pasalamat sila nalang dw ksi ng asawa nia mag kasama dto sa laspiñas kaya sya yung lumabas dumadalaw dalaw nalang dw mga anak nia. mga jeep dyn sa laspiñas mahiya nmnn kyo unahan kyo ng unahan sa pasahero pero mga ganitong kailangan nio isakay iniiwasan nio ðŸ˜ "



***