Netizen, may panawagan kay Mayor Isko kung paano masolusyunan ang 'photobomber’ sa Rizal Park - The Daily Sentry


Netizen, may panawagan kay Mayor Isko kung paano masolusyunan ang 'photobomber’ sa Rizal Park



Pinagsamang larawan mula sa Facebook
Napaka-gandang ideya ang naisip ng isang netizen kung paano sosolusyunan ang problema ng karamihang nagpapapicture sa Rizal Park kung saan mayroon malaking condominium building sa monumento na kung tawagin ay “pambansang photobomber” na nakakasira ng view.

Viral ang suggest ng netizen na nag-ngangalang Tata Montenegro na gawing design ng condominium building ang watawat ng Pilipinas.

Sa post ni Montenegro, nanawagan siya sa City Council ng Maynila at kay Manila Mayor Isko Moreno, maging sa may-ari ng building na kung puwede na ang kanyang ideya para masolusyunan ang ‘pambansang photobomber’ sa Rizal Park.

Mapapansin na napaka-malikhain ng netizen sa kanyang naisip na design na gawing bandila ng Pilipinas ang nasabing building.
Larawan mula kay Tata Montenegro
“Sa city council ng Maynila at kay Mayor Isko Moreno at sa may-ari ng building na kung tawagin photobomber at lalo na sa komisyon na namamahala ng ating bandila/watawat, baka pwede na itong aking naisip,” ayon sa kanyang post.

Matatandaan kasing dati nang pinagiisipan kung paano masosolusyunan ang ang nasabing problema sa Rizal Park.


Namangha naman ang karamihan ng netizen na nakakita sa post ni Tata. Basahin ilan nilang komento sa ibaba:

Bong Lacson Talino naman ng nakaisip niyan good job ka sir we praud of you god bless

Sansay Rebato Nice galing sana nga un nlng pra maganda at kaaya aya walang sagabal kundi ung watawat ntin pwd galing n kuya sana magawan agad ng sulusyun mapapayag un my ari ng building yorme ikw na bahala jan
Larawan mula sa BusinessMirror
Ibrahim Abu Jameel Hamoudy Ang taba ng kaisipan mo kol ah bright jud ka

Charlie Mack Dacorro Maganda idea poh...para lalong mapansin ang monumento ng ating bayani...

Halley Nichole pwedeng pwede tpos pgka gbi lgyn ng pailaw ktulad nung sa burj khakifa pra mggng atraksyon sya kht ppno sa gbi.

Cesar Cloma Tata maganda watawat ang background may sense

Sana ganito ang gawin nila sa building na yan eksena kc mas maganda kun ganyan gawin nila bandila natin ang ilagay” 

****