Larawan mula sa World of Buzz |
Isang batang sampung (10) taong gulang ang kahanga-hangang namumuhay mag-isa sa ginta ng bukid matapos sumakabilang buhay ang kanyang mahal na lola at tatay.
Ayon sa balita mula sa "China Press" kinilala ang bata na si Dang Van Khuyen, mula sa bansang Vietnam na nabubuhay mula sa kanyang mga panamin na gulay sa bukid.
Maliit pa lamang si Khuyen ay ulila na ito sa kanyang nanay at ang kanyang tatay naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kung kaya naman hindi niya ito kasama sa kanilang bahay.
Ang tanging kasamang namumuhay ni Khuyen sa kanilang munting tahanan ay ang kanyang mahal na lola.
Larawan mula sa Facebook |
Larawan mula sa Facebook |
Namuhay ng simple ang mag-lola habang ang tatay naman ni Khuyen ay minsang lang magpadala ng pera bilang suporta sa bata.
Hindi nagtagal ay sa kasamaang palad, sumalangit narin ang kanyang lola at iniwan na siya dala narin ng katandaan.
Lumipas ang ilang araw ay isa pang malungkot na balita ang natanggap ni Khuyen dahil nadisgrasya ang kanyang ama sa kanyang trabaho dahilan din ng pagkawala nito.
Dahil dito ay walang ibang pagpipilian si Khuyen kundi tatagan ang kanyang loob at piliting mamuhay mag-isa.
Pero sa kabila ng bigat ng kanyang dinaranas, hindi nagpatinag si Khuyen sa mga hamon sa kanyang buhay, bagkus ay mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang loob.
Sa kabila ng lahat, hindi parin pinapabayaan ni Khuyen ang kanyang pag-aaral at hindi ito umaabsent sa pagpasok sa paaralan.
Larawan mula sa Facebook |
Larawan mula sa Facebook |
Dahil dito ay nalaman ng kanyang pinapasukang paaralan at ng lokal na pamahalaan ang kalagayan ni Khuyen kung kaya sinubukan siyang dalhin sa bahay ampunan ngunit mas pinili parin ng bata na mamuhay mag-isa.
Namuhay mag-isa si Khuyen sa pamamagitan ng pagtatanim ng sarili nitong gulay habang pinapaaral ang kanyang sarili.
Napag-alaman ding naglikom ng pera ang kanyang guro upang maiuwi ang katawan ng kanyang ama na inilibing nito malapit sa kanilang bahay.
Sadyang kahanga-hanga ang ipinapakitang determinasyon ni Khuyen para magpatuloy sa buhay sa kanyang murang edad na sampu.
****
Source: China Press